Chapter 2

7.2K 54 0
                                    

Sa isang magarang kwarto na pang prinsesa ang itsura magigising si Naomi na akala ay panaginip lang ang lahat.Isang may edad na babae ang lalapit dala dala ang isang tray na may bowl ng sopas at iilang prutas.

''Mabuti at gising ka na,kaya mo bang umupo?''tanong ng matandang babae na matapos ilapag sa lamesita ang pagkain ay tinulungang umupo sa kama si Naomi.

''Salamat po''wika ni Naomi sa matandang babaeng mapapangiti.

''Ako si Yaya Ela,natutuwa ako at ok kana.Pagkatapos mong kumain kung kaya mo ng magbihis andun sa lamesang iyon ang mga damit mo.Umalis si Master Lionel baka mamayang gabi pa ang uwi,magpahinga ka lang hanggang sa gusto mo at pag kailangan mo ako pindutin mo lang ito.''wika ni Yaya Ela kay Naomi na nahihiyang nginitian ang matanda.

''Master Lionel po ba ang pangalan niya?Kapangalan niya ung dati kong kakilala. Master rin po ba ang itatawag ko?''tanong ni Naomi kay Yaya Ela.

''Well i dont know yun na kasi ang tawag ng lahat dito maliban sa mga kapatid ni Master Lionel na sina Master Cedrick at Mistress Danica.''wika ni Yaya Ela kay Naomi na unti unting hinihigop ang mainit na sabay ng sopas sa bowl.

Agad na lumabas si Yaya Ela habang si Naomi naman ay tinatapos ang pagkain na inihatid sa kanya.Pagkatapos kumain ay dahan dahan siyang tumayo upang pumunta ng bagyo at maligo.Namangha siya sa dami ng buttons na pipindutin sa loob ng banyo.May malaking bath tub pa na puno ng tubig at may petals ng rose.Dahil hindi sanay sa shower at sa mga buttons na andun ay sumahod na lamang siya sa bath tub ng tubig at naligo gamit ang kamay bilang tabo.

''Napakagandang damit naman nito,ngaun lang ako makakapag suot ng ganitong kagarang damit.''wika ni Naomi na namangha sa ganda ng damit na inihanda sa kanya ni Yaya Ela.Nang matapos magbihis ay matutuon ang kanyang mga mata sa may veranda.Unti unti siyang lalapit at laking gulat niya ng masilayan ang lawak at laki ng mansiong kanyang tinitirhan.Para siyang prinsesa na nasa palasyo dahil sa gara ng lugar.Pilit niyang ginigising ang sarili ng sampalin niya ang pisngi na inaakala niyang ang lahat ay panaginip lamang.Ngunit totoo ang lahat ng kanyang nakikita,ngunit may agam agam sa puso ni Naomi gusto niyang malaman kung siya ba ay totoong malaya.

LIONEL'S POV

Gabi na ako nakabalik matapos makipag pulong sa chief of Police tungkol sa pagrereport ko ng blackmarket kung saan ko nabili si Naomi.Napakalaking risk ang ginawa ko para lang mahanap ang babaeng laman ng mga panaginip ko.Matagal ko ng hinahanap si Naomi simula ng bumalik ang mga ala ala ko ng nakawin ng isang trahedya limang taon na ang nakalipas.Nang balikan ko si Naomi sa kanilang probinsiya ay ganun na lamang ang gulat ko ng malamang ibinenta siya ng kanyang stepfather sa isang grupo ng mga sindikatong involved sa human smuggling.Kung saan saan ko hinanap si Naomi,halos lahat ng blackmarket ay pinasukan ko para lang mahanap ang babaeng aking iniibig.Laking pasasalamat ko ng makita si Naomi kagabi ngunit lungkot ang bumalot sa katawan ko ng makita ang pilat sa kanyang tagiliran ng magpatawag ako ng doktor ng siyay mawalan ng malay sa aking sasakyan.Napakasama nila,papano nilang nagawang sikmurain na tanggalin ang kaliwang kidney ng babaeng minamahal ko.Pinapangako ko na hindi na muli kaming maghihiwalay ni Naomi,hindi ko na pakakawalan ang babaeng nakalaan at nakatadhanang makasama sa buhay kong ito.

''Master maligayang pagbabalik,nagising na po si Naomi at muling bumalik sa pagtulog.''wika ni Yaya Ela sa nakangiting si Lionel.Sabik nitong tinahak ang hagdanan papunta sa kwarto ng minamahal kung saan mahimbing itong natutulog sa kama.Dahan dahan niya itong tatabihan sabay himas ng malago at maitim nitong buhok.Biglang magbabalik ang ala ala,ang ala ala kung kailan sila unang nagkakilala ng babaeng para sa kanya ay itinadhana.

''Class i want u to meet Mr. Lionel Montreal, transfer student siya galing sa America so i want u all to be nice to him ok?''pakilala ng guro sa isang patpating lalake na nasa edad trese.Naka braces ito at may malalim na bughaw na mga mata.Ramdam ni Lionel ang pag iwas ng mga kaklase nito dahil sa kanyang malnourish na itsura.

My Master, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon