Chapter 9

2.1K 25 0
                                    

''What do you mean na hindi tuloy ang kasal?''wika ng tila nagulat na si Margarita ng tawagan siya ng Mommy ni Lhian,ang fiancee ng anak niyang si Lionel. ''Im sorry but that wedding is off.''wika ng MOMMY ni Lhian sabay patay ng phone sa hindi makapaniwalang si Lhian. Sumasakit ang ulo ni Patty,ang ina ni Lhian ng malamang nagtanan ang kaisa isa nilang anak sa kaklase nito sa university na si Rock.Hindi siya makapaniwala na magagawa ng anak na layasan sila para lang sumama sa tinatagong kasintahan niya. ''Nakakahiya kay Margarita,wala akong mukhang maihaharap sa kanya.''wika ni Patty sa asawa nitong si Gerard na noon pa may tutol sa arranged marriage na pakana ng asawa at ni Margarita. ''Mas inuuna mo pa ba ang kahihiyan kesa sa kapakanan ng anak natin.Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to,nawala ang anak natin dahil diyan sa arranged marriage ninyo.I wont allow you to run our daughter's life anymore.''wika ni Gerard na agad nagpautos ng tao upang hanapin ang unica iha nito. Samantala isang nagdiriwang na Lionel ang makikita na pasayaw sayaw sa kanyang kwarto ng malaman nito na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Lhian.Malaki ang pasasalamat niya sa dalaga na mas piniling sumama kay Rock ng yayain siya nitong itanan.Nasa kalagitnaan siya ng pagbibihis ng pumasok sa kwarto nito ang inang si Margarita. ''Im sorry iho but your wedding with Lhian is off,but dont worry ill find a suitable girl para sayo.''wika ni Margarita na ikinataas ng kilay ni Lionel. ''Mom do i have to get married so soon,marami pa kasi akong gustong gawin sa buhay ko bilang single.Having a wife will stop me from doing that,im sorry Mom but im not ready.''wika ni Lionel kay Margarita na mapapatingin ng deretso sa kanyang mga mata. ''Is it because of Naomi?,the girl you rescued from that filthy blackmarket?I know all about her Lionel,and i tell you this hindi ko siya gusto para maging asawa mo.Im fine of you playing games with her or use her but to marry her no way will i agree with that.''wika ni Margarita sa magugulat na si Lionel.Papanong nalaman ng ina ang tungkol kay Naomi,agad niyang naisip ang kanyang kuya Cedrick.That bastard! nagawa niyang isuplong sa ina ang tungkol sa kanila ng dalaga. ''This kuya tell you about her? ''tanong ni Lionel sa mapapangiting si Margarita. ''No,let me remind you my son that you are a Montreal.Hindi ka anak ng kung sino lng na piputsugin sa bansang ito.You deserve that best in life,and that includes a wife with a fine breeding in her blood.I will allow you to stay single and flirt with that Naomi girl but once i found a suitable girl for you to marry you have no choice but to get rid of her.''wika ni Margarita sa hindi makapaniwalang si Lionel.Tama nga si Cedrick,ang ina nito ang kumukontrol ng buhay nila.He can sense that his mother is evil enough to do something really bad once hindi natupad ang gustong mangyari nito sa mga buhay nila. ''What if i dont get rid of her?''tahasang tanong ni Lionel sa mapapangising demonyo na si Margarita. ''Then you will lose her forever,i will do everthing i can to get rid of that girl.''wika ni Margarita na hahalikan sa pisngi si Lionel sabay labas ng kwarto ng anak niya. Nanghina si Lionel matapos ang usapan nila ng inang si Margarita.Lalong naging komplikado ang lahat para sa kanila ni Naomi.He cant keep Naomi forever,pero hindi siya susuko.Hindi niya isusuko ang pagmamahal na inilaan niya sa babaeng iniibig.He has to see her,makakapag isip siya ng maayos kapag kasama niya si Naomi. Samantala isang masayang Naomi ang makikitang pasan pasan sa likod si Chelsea habang papasok sila ng university.Gusto mang pigilan ni France,ang ama ni Chelsea na pababain ang anak ay wala itong magawa dahil mismo si Naomi ang gusto na pasanin ang bata. ''Naomi gusot na ang uniform mo.''wika ni France na sa maikling panahon na nakakasama nila ng anak si Naomi ay nagbago ang mundo dahil sa dalaga.Ang dating madilim at malungkot na bahay ay napuno ng mga tawa at kasiglahan ni Chelsea dahil kay Naomi.Maalaga si Naomi,marunong sa lahat ng gawaing bahay at kahit hindi niya trabaho ay may kusa siyang gawin ito.Masarap din siyang magluto kaya naman mapapansin na nagkalaman ang dating payatot na si Chelsea. ''Ok lang ako Sir France,magaan naman po si Chelsea eh.''wika ni Naomi habang pasan ang tuwang tuwa na si Chelsea. ''Oh nag bell na,baby baba ka na kay ate Naomi papasok na siya.''wika ni France na aalalayan ang anak pababa sa dalaga. ''Ate Naomi ill see you later ok,promise gagalingan ko mamaya para bigyan ulit ako ng star ni Teacher.''wika ni Chelsea sabay halik sa pisngi ng nakangiting si Naomi. ''Ok aasahan ko ang star mo.''wika ni Naomi ng tingnan siya ni France. ''Good luck sa studies,ill see you later.''wika ni France na biglang hahalikan sa pisngi ang tila nagulat na si Naomi. Halatang namula ang mukha ni Naomi matapos siyang halikan sa pisngi ni France.Nakangiti naman si France na umalis kasama ang nagpapaalam na si Chelsea.Pilit na winawaglit ni Naomi sa utak nito ang halik na iyon ni France.Ayaw niyang bigyan ng malisya ang halik na iyon lalo pat kapatid siya ni Lionel.Si Lionel lamang ang tanging nagmamay ari sa katawan niya,malaki ang utang na loob ni Lionel sa binata at mahal na mahal siya nito kaya ayaw niyang magkaroon ng problema silang dalawa. ''Naku mala late na ako.''wika ni Naomi na tatakbo papunta sa klase nito habang isang pares na naiinggit na mga mata ang nakatingin sa kanya. ''Wew buti d ako late.''wika ni Naomi na agad uupo at bubuksan ang libro.Hindi nito mapapansin ang lalaking katabi na biglang ilalapag ang kamay nito sa binabasa niyang libro. ''Ikaw?''wika ng nagulat na si Naomi. ''Yes ako nga.''wika ni Jared ang isa pang kapatid ni Lionel sa ama na nakaalitan nito noong isang araw. ''Andito ka na naman ba para insultuhin ang pagkatao ko?''tanong ni Naomi ng biglang ilapit ni Jared ang mukha niya dito. ''No i came to say sorry.''wika ni Jared na biglang ilalapat ang mga labi sa labi ni Naomi ng biglang may lumagapak sa may pintuan at makikita ang isang galit na galit na Lionel na nakatingin sa kaniyang kapatid at kay Naomi. Itutuloy

My Master, My LoverWhere stories live. Discover now