/7/ The Great Race

Start from the beginning
                                    

"Inside those bags are your necessary supplies for your own survival, use it wisely," Pagkaabot sa'kin ng bag ay medyo nabigatan ako."Now, the main mission of this level is to hike Gubeiko's wall to Jinshalling within twelve hours. However, there will be rewards for those first twelve who will arrive at the finish line." Siguro naman may mapa na kasama sa gamit dito sa bag.

Huminto saglit si Rama Melchiore bago magsalita muli. 

"Any questions?"

May nagtaas ng kamay, malapit sa harapan, yung lalaking monk na nakasuot ng yellow robe at may malaking beads na nakasabit sa leeg.

"Can we use our powers for the benefits?"

"Of course, you can. Thanks for that question. Anything else?" Wala nang nagtaas ng kamay pa. "I'll give you Ten minutes before we start."

Tinipon kami kaagad ni Cairo at napansin kong may kanya-kanya ngang alyansa sa iba pang grupo, wala namang sinabi na hindi pwedeng bumuo ng grupo. To be honest, parang masyadong madali sa paningin ko yung unang laro pero at the same time ay nakakabother dahil sa dali ng mechanics.

"Hindi tayo pwedeng maging kampante," narinig kong sabi ni Cairo. "Muka mang madali ang unang level pero huwag tayong pakisigurado." Sumang-ayon kami sa kanya... Well dahil tama naman siya, hindi pa namin alam kung ano ba ang magiging takbo ng competition na 'to, kaya lahat ng worst scenarios ay iniisip ko na. If only I still have the Culomus―what? Jill erase that thought.

"I-check na muna natin kung anong laman ng bag." Sabi ni Finnix at lahat naman kami ay sumunod sa kanya. Liters of water, map, flashlight, first aid supplies, snacks, at iba pang mga essential na gamit ng pang-hike.

"Wala ba tayong magiging strategy?" si Pascal naman ang nagsalita, napatingin siya sa ibang grupo at napatingin din kami. "Mukang may mga binabalak sila."

"Some of them are Telepaths," sabi ni Cloud, sumang-ayon si Cairo. Twenty seven kaming players, anim kami sa grupo namin, sa grupo naman nila Eliza ay apat, may dalawang loners o walang grupo, at may tatlong tiglilima na grupo. "Those group." Inginuso ni Cloud yung dalawang grupo na may tiglimang member.

"May telepath sa kanila, basically they can protect or shield their thoughts and at the same time may kakayahan silang basahin yung thoughts ng ibang grupo."

Napatingin naman kami sa grupo nila Eliza. 

"No telepaths at their group but they have that genius girl," si Cairo ang nagsalita."It still hurts my ego kapag naalala ko na nagawa niyo kong lokohin noon sa MIP." Oh, Eliza's famous Believe me, I'm lying tactic. "Wala mang Telepath sa kanila, Eliza can hear everything. Cloud and I better not trust her thoughts dahil kung nagawa niya kong i-decieve noon, kayang-kaya niyang gawin ulit 'yon kahit kailan." Deceive the heavens in order to cross the ocean. "Hindi lang si Eliza, kundi silang lahat, siguradong aware sila na may Telepaths, that's why it's better not to trust anyone."

"Hindi naman tayo pwedeng matakot lang sa kanila." Napatingin ako kay Finnix, gusto ko siyang palakpakan dahil nagkakalakas loob na siyang magsalita ngayon, sila ni Pascal. Maliban kay Otis na palagi namang tahimik at hindi nakikita ang ekspresyon ng mukha dahil sa suot niyang clown mask.

"Jill, one thing," si Cairo. "You can't just treat us traitors now."

"I still don't trust you," sabi ko sa kanila. Napahilamos sa mukha si Cairo. "I don't trust you, so I need to trust you."

"Ha?" sabay-sabay silang napakunot sa sinabi ko, including Cloud. Hindi ko na lang sila pinansin dahil malapit nang magsimula ang laban.

Maya-maya'y muli kaming hinarap ni Rama Melchiore may dala siyang starting pistol. 

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now