"bakit may sinabi ka ba?!" wala naman talaga siyang sinabi eh. Kapal ng mukha neto sarap upakan.

"kahit na wala akong sinabi pero sana naman SANA NAMAN! Nagpaalam ka manlang na aalis ka! O nagugutom ka para ako ng bumili! Hindi mo ba naisip na delikado para sayo na umalis ka mag isa?!"

"paki alam mo ba?" hinawakan ko kamay ko at tumalikod na. naiiyak na ako kasi masakit yun eh. Kung baga piniga ng husto yung kamay ko. Yung lahat na ng force nasa kamay niya. Pinunasan ko ang nag babadyang luha na dumaloy sa pisngi ko.hindi ako naiyak dahil pinagalitan niya ako. Kesehodang makita kami lahat na nagsisigawan. Kahit mag mukhang attention seeker . Wala akong pakielam. Amg point ko bakit kailangan niyang gawin na hilahin pa ako palabas ng kainan eh pwede naman niya akong kausapin ng maayos.Naiiyak ako dahil masakit yung pag hawak niya sa kamay ko.

imbyerna ka Liam Sean Reyes!!! Walang hiya ka.

Mabilis akong lumayo sakanya at bumalik dun sa pinuntahan ko kanina pero hindi eksaktong doon mejo may kaunting kalayuan para hindi niya ako makita.

Liam

Naguilty ako bigla nung lumayo siya at nakita kong nagpahid siya ng luha. Ang tanga mo Liam!!! Sana Kinausap mo nalang ng maayos hindi yung kinaladkad mo pa palabas sa kinakainan niya. Ang tanga tanga ko.!!!

Gusto ko siyang habulin kaso.. ewan ko parang may pumipigil saakin. Na hayaan ko muna siya magpalamig ng ulo niya. Kasi pag nilapitan ko siya baka mas lalong magalit yun. Nakakatakot pa mandin yun magalit.

Hay...

Wala akong magagawa kun'di antayin siya ayoko siya itext o tawagan. Sinabi ko naman na din sa mga guard na paki bantayan nalang siya. Dumeretso na ako sa unit para magpalamig din ng ulo.

Tumingin ako sa orasan

9:00........

30 min palang naman siya wala...

kahit na nag aalala ako idadaan ko nalang sa laro. pampalipas oras.

............

10:10...

Di ko namalayan ang oras antagal na pala niyang wala. Sumilip ako sa veranda.. meron pa namang mga tao sa labas. May mga nagbabantay pa naman kaya sige aantayin ko pa siya.

Tinulog ko nalang muna. dahil inaantok na ako napagod ako kanina kakahanap sakanya.

-------------

11:30........

11 na. sinilip ko siya sa tabi ko. Wala pa naman siya. Sa sahig... wala rin.

Sa sofa... wala rin..

Chineck ko ang buong unit wala siya.

Lalabas na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

Hew. Thank God. Ng nakita ko siya pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag.Di na ako umimik. Pero pi akiramdaman ko siya. yung mata niya namamaga...

"okay ka lang?" tumango siya bilang sagot.

Hay naguguilty nanaman ako.

kumuha siya ng damit niya at dumeretso sa CR.

Tahimik lang siya. Walang ganang gumagalaw.

Matapos ang ilang minuto at lumabas na din siya.

"okay ka lang ba talaga?"

Tumango lang ulit siya. Ghad!!! Hindi ako sanay sa nakikita ko. Eto ang kinakatakot ko. Well pangalawa sa kinakatakot ko. Half silent treatment palang to ah. Buti nga at sumasagot siya eh. Kasi pag hindi ay nako hindi ko na alam ang gagawin ko baka bigla akong takasan ng katinuan. OA kung OA pero ganun talaga. Kahit naman inaaway ko to may pakielam naman ako sakanya dahil marami siyang naitulong saakin sa mga panahong natatanga ako sa subject namin.

Naputulan ba to ng dila??? O galit lang saakin.?

Okay okay!! Wala akong mapapala kung tititigan ko lang siya.

Humiga na siya at nag kumot. ...napapatameme ako.

Ako rin ata naputulan ng dila.

SPEAK UP LIAM!!!

"Louise. Uhmmmmm.... Sorry" hingi ko ng tawad. I mean it.

"Okay lang. pakipatay nalang yung ilaw kung matutulog ka na."

Nag crack yung boses niya habang nagsasalita siya. Ayoko na!!!! sobrang nag.guilty na ako..

Inopen ko muna yung lamp shade sa gilid niya at tinignan siya.

Gosh what have I done?. tumingin ako sa kamay niya na nahigpitan ko ng hawak.

it's killing me. The guilt is killing me.

"I'm so sorry Louise, good night" I whispered

then I switched off the lights.

Tinignan ko lang siya. Nakatunganga lang ako sakanya. Naguguluhan ako. Parang ang labo saakin na masasaktan ko siya sa simpleng paghawak ko. Simple? Simple na bang matatawag ang pag higit sakanya palabas?

Ganun naman ata talaga yung pag-aalala mo kapag yung tao parte ng buhay mo.













Love Centrism (Completed)Where stories live. Discover now