Chapter 10.1

19.2K 520 4
                                    

Chapter 10.1

Halos ilang oras na ang nakalipas matapos makausap ni Maureen ang kanyang mama ngunit hanggang nagyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa huling binitawang salita nito. Samantalang ito ang laging nagpapaalala sa kanya na mag-ingat kay Nathan ngunit ngayon tila nagbago ang ihip ng hangin. Sunud-sunod na buntong hininga na ang pinakawalan bago matamlay na bumangon. Kailangan na niyang mag-ayos dahil ilang minute na lamang ay magkikita na sila ni Margarette. Mabilis niyang inayos ang sarili at nagmamadaling bumaba sa coffee shop ng hotel upang doon na hintayin ang boss. Ayaw naman niyang mauna pa ito sa kanya.


Habang nasa elevator ay hindi maipaliwanag ni Maureen ang kabang nadarama at habang papalapit siya sa coffee shop ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Naisip na lamang niya na ang paghaharap nila mamaya ni Dale Andrew ang dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam niya. Imbes na tumuloy sa coffee shop ay minabuti na muna niyang bumaba sa lobby ng hotel upang pahupain nag tensiyon na nadarama. Hindi pa siya nagtatagal sa lobby ng matanaw niya sa entrance si Margarette. Nagmamadali niyang sinalubong ang amo.


"Ma'am, it's nice to see you again." Mahigpit niyang niyakap si Margarette bago inaya sa Café Rafael para doon nila ituloy ang pagkukwentuhan. Ang inokupa nilang mesa ay tanaw na tanaw ang bawat taong pumapasok.


"Bakit biglang napaaga ang bakasyon mo?" Simula ni Margarette habang binubuklat ang dalawang brown envelope na inabot ni Maureen.


"May mga importante lang akong aayusin." Tipid na tugon ni Maureen.


"Is it about your boyfriend? Ikaw ha, akala ko si kuya Nathan ang makakatuluyan mo." Biglang nalungkot si Margarette. Umaasa kasi siya na ang assistant ang makapagpapatino sa nakakatandang kapatid.


'"Kung alam mo lang na puro kunsumisyon ang ibinibigay sa akin ng kuya mo." Nakasimangot na tugon ni Maureen.


Napangiti si Margarette. "Trust me Maureen, may gusto sa'yo si kuya Nathan kaya lang may boyfriend ka na, kaya mukhang imposible na ang iniisip ko. Basta ang mahalaga ay masaya ka kahit na sino pa ang mahalin mo. "


"Mahal na mahal ko ang boyfriend ko at alam kong ganun din ang nararamdaman niya sa akin. I'm willing to sacrifice everything even my precious job just to be with him." Hiyang-hiya sa sarili si Maureen dahil alam niyang puro kasinungalingan ang pinagsasabi niya ngayon.


Muling napangiti si Margarette, ngunit natigilan siya ng matanaw si Dale Andrew sa entrance ng coffee shop.


Agad naming sinundan ni Maureen ang direksiyon na tinitignan ni Margarette. "Mukhang napaaga si Dale Andrew." Bulong niya sa amo.


"D-Do you k-know him?" Nagtatakang tanong ni Margarette.


"He's my boyfriend. Siya iyung sinasabi ko sa'yo kanina." Ayaw sanang gawin ito ni Maureen ngunit wala na siyang pagpipilian. Nagmamadali siyang nagpaalam kay Margarette upang salubungin si Dale Andrew.


"Andrei honey, I want you to meet my boss Miss Margarrette Sarmiento, ma'am Margarette this is Dale Andrew Monteverde my boyfriend." Pagpapakilala ni Maureen sa dalawa, malambing pa niyang inihilig ang ulo sa balikat ni Dale Andrew. Wala sana siyang balak na gawin ito ngunit nahagip ng paningin niya si Grace na nakaupo sa kubling bahagi ng coffee shop. Gaya ng napag-usapan nila na sa muling paghaharap nila ni Dale Andrew ay kailangan niyang ipangalandakan na siya ang girlfriend nito.


Ngunit bigla siyang naguluhan ng biglang nag walk-out ang boss. Sa limang taong pagkakakilala niya rito ay kalianman ay hindi ito nagpakita ng kagaspangan ng pag-uugali. Kaya nagtataka siya sa naging reaksiyon nito. At ang lalong ipinagtaka niya ay ang pag-aalalang nakarehistro sa mukha ni Dale Andrew ng sundan nito ang kanyang boss.


"Do you know her?" Tanong ni Maureen kay Dale Andrew ng lapitan niya ito na nakatayo sa nakasarang elevator.


"Reena, let's go back inside. May pag-uusapan tayo." Yaya ni Dale Andrew at nagpatiuna na itong naglakad.


Pagkaupong-pagkaupo ay walang sinayang na sandal si Maureen agad niyang kinompronta ito. "Do you know my boss?" Ulit niyang tanong dito.


Tuwid na tinitigan ni Dale Andrew si Maurreen. "She's my wife." Mabilis niyang tugon.


"Oh my! I didn't know." Gulat na gulat si Maureen sa nalaman. Bigla siyang nabahala para kay Margarette, kung maaari lamang niyang kausapin ito ngayon upang magpaliwanag ay gagawin niya ngunit hindi niya puwedeng gawin ito dahil sa kasunduan nila ni Grace. Lalo siyang nataranta ng malingunan si Grace na nanonood sa kanila kailangan niyang ipakita rito na tumutupad suta sa usapan ngunit may ideyang naglalaro sa isipan niya upang makawala sa kasunduan.


"Andrei, mahal pa rin kita. Kaya ako bumalik upang ipaglaban ang pagmamahal ko sa'yo." Nagsimula ng umagos ang mga luha ni Maureen. Parang gusto niyang palakpakan ang sarili , hindi siya makapaniwala na kaya niyang umarte ng ganito.


"I'm sorry Reena, hindi ko pwedeng pabayaan ang asawa ko at magiging anak naming." Inabot ni Dale Andrew ang dalawang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa at mahigpit na hinawakan.


"Naiintindihan kita, basta ipangako mo na aalagaan at mamahalin mo si Margarette." Mahinag tugon ni Maureen upang hindi marinig ni Grace.


"Thank you, Reena" Natutuwa si Dale Andrew dahil nagkaroon na ng closure ang relasyon nila.


"Sabayan mo ako sa paglabas tapos sundan mo na ang asawa mo." Pabulong na turan ni Maureen.


Naguguluhan man ay pinagbigyan ni Dale Andrew ang hiling ng dalaga. Inihatid pa niya ito hanggang sa tapat ng inookupang kuwarto.


Nakahinga ng maluwag si Maureen ng makapasok sa kuwarto nila. Sa naganap kanina sa Café Rafael ay mapapaniwala niya si Grace na tumupad siya sa usapan nila.

__________________

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon