CHAPTER 41: Captured

1K 32 6
                                    

CHAPTER 41: Captured

Umikot ang tingin ni Ella sa buong paligid. Nakatali ang kanyang mga paa at kamay. Nilagyan ng tapal ang kanyang bibig.

Natatakot siya sa mga pwedeng mangyari. All those fears one year ago... bumabalik sa kanya lahat-lahat.

Ayaw niyang may masaktan na naman. Ayaw niya.

Nakita niya na bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang lalaki na may dalang tray.

Inilapag nito ang tray na dala sa kanyang harapan at tinignan tsaka ngumisi. "Kumain ka d'yan. Baka bago pa makarating dito ang kuya mo patay ka na." Anito.

Sinamaan niya ito ng tingin.

Hunter.

Tinanggalan siya nito ng tali sa kamay at paa. Pati na rin ang busal na nakalagay sa kanyang bibig.

"Kumain ka d'yan, babantayan kita." Saad niya.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Sana pinatay niyo na lang ako ng diretso." Inis na sabi ni Ella at hindi pa rin ginalaw ang kanyang pagkain.

Ngumisi si Hunter.

"Ang swerte mo nga't mabait pa ako. Sulitin mo na habang maaga. Babantayan kita kaya kumain ka. Baka makatakas ka pa." Hindi na niya ito pinansin pa at sinimulan ng kumain.

May puso nga bastos naman.

Alam rin namna niya na kahit anong pagtakas pa ang gawin niya ay hindi siya makakatakas. Ayon sa pagkakaobserba niya ay mataas ang palapag kung nasaan siyam at pinaliligiran ng mga armadong lalaki ang buong paligid.

Nang matapos na siyang kumain ay niligpit na ni Hunter angnkanyang pinagkainan at itinali ulit ang kanyang paa at kamay. Nilagyan na rin nito ang busal sa kanyang bibig.

Ngunit, bago siya lumabas ng pintuan ay nagsalita ito.

"Para sa kaalaman mo, hindi bukal sa puso ko ang ginagawa ko."

Bastard.

At...

"Zico!"

Kaagad na tumakbo si Zico papunta kay Athena. Nang marinig niya ang balita ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na bumalik sa Pilipinas.

Iniwan na niya ang kaibigan na si Blade. Dahil ngayon, mas mahalaga pa para sa kanya ang kanyang kapatid.

"Nasaan si Ella?!"

Lahat sila ngayon ay nagtipon sa mansion nina Kiro. Nalaman na rin nila na umamin na si Ella sa lahat, at nakuha ito nina Arian.

"Kinuha siya nina Arian." Sagot ni Ron.

Kaagad naman na sinipa ni Zico ang upuan na malapit sa kanya kaya tumilapon iyon sa sahig.

"Bwisit!" Sigaw niya.

Wala pang ilang segundo ay tumunog ang kanyang cellphone kaya naman kaagad niya itong kinuha at sinagot.

"Bwisit! Sino ba-"

"Hi Zico..."

"Arian! Ibalik mo sa akin ang kapatid ko!"

"Ows, hindi ka na ba marunong mag-hello Zico?"

"No!"

"Ouch naman. Look Zico, kung gusto mong maibalik pa ang kapatid mo. Pumunta ka sa address na ibibigay ko. Subukan mo lang magdala ng pulis at papasabugin ko ang ulo ng kapatid mo."

"Tigilan mo ako Arian! Huwag mong sasaktan ang kapatid ko. Sa tingin mo ba mamahalin kita pagkatapos nito?!"

"Zico-"

Ayaw na ni Zico makarinig pa. Kaagad niyang pinatay ang tawag. Nababaliw na nga ata ang babaeng 'yun. Malala na.

"Zico ano ng gagawin natin?" Tanong ni Kiro. "Nandoon ang babaeng mahal ko!"

"Andun din ang kapatid ko. What's the plan?" Ani ni Zico. "Get Ella, and defeat those bastards." Seryoso nitong sabi at umalis.

Ngunit...

Kanina pa nakaupo sa lapag si Ella. Wala siyang magawa. Gusto na niyang umalis. Gusto na niyang makita ulit sina Kiro.

Sana lang, sana walang mangyaring masama sa kanila.

Napunta ang atensiyon niya sa pintuan ng bigla itong bumukas. Inaasahan niya na si Hunter iyon ngunit ang malanding babae ang lumabas.

"Woah, masyado na bang nahihirapan ang prinsesa?" Sarkastiko nitong tanong.

Hintayin mong makalabas ako dito Arian.

"Tinawagan ko ang kuya mo. But do you know what did he do? Wala siyang pake sa akin." Nakangisi nitong sabi.

Bagay lang sa 'yo.

"Kapag dumating na dito si Zico, magiging akin na siya at papatayin ko na kayo. Mga hadlang kayo sa pagmamahalan namin." Tumawa pa ito.

Baliw, malala na talaga ang saltik nito.

"Do you know how much I wanted to kill you even before the first time we met? Sabi na nga ba't buhay si Ella." Nakangisi niyang sabi.

"As of now kailangan pa kita ng buhay kaya hindi kita papatayin." Saad nito at sinampal siya ng malakas sa pisngi. "Pero hindi ko pa rin maiiwasan na saktan ka."

Kaagad na umalis si Arian ng makita niya ang matalim na tingin sa kanya ni Ella.

Just you wait. Ako mismo ang magpapabagsak sa'yo.

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon