CHAPTER 37: Anger

1.1K 39 1
                                    

CHAPTER 37: Anger

Dahan-dahan na binuksan ni Ella ang pintuan ng kwarto ni Kiro. Ngayon lang niya itong nakitang lasing. Galit man siya sa binata ay hindi niya pa rin mapagkakaila na nag-aalala siya rito. Sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala kung nakita mo ang boyfriend mo na nagwawala at lasing? Manhid na lang ang hindi mag-aalala ng ganito.

"Kiro."

Lumapit siya sa gilid ng kama nito at tinitigan ang mukha. Mahimbing na natutulog si Kiro, para siyang anghel.

Bakit ba kasi ang gwapo mo Kiro?

Lalapitan na sana niya ito ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kiro at iniluwa 'non si Zico. Napatingin ang mga mata nito kay Kiro na mahimbing na natutulog sabay na natawa.

"Alam ko, para siyang anghel kapag natutulog. Pero kabaliktaran kapag gising." Natatawang sabi ni Zico.

"Ang harsh mo kuya. Naglasing na nga ito eh, baliw talaga. Siya 'yung nakipag-away eh."

Ginulo ni Zico ang buhok ni Ella tsaka ngumiti. "Li'l sis, mahal ka talaga ni Kiro. Tingnan mo, andami pa naming bukol na natamo. Sa susunod 'wag mong gagalitin o pagseselosin 'yang maknae. Kami yung pinagbubuntungan ng galit." Naka-pout na sabi ni Zico.

"Hays, kuya."

"Sandali pi-picturan ko muna si Kiro, sayang," nakangisi niyang sabi at tumabi sa gilid ng kama tsaka nag-pose. Napapailing si Ella habang nakatingin sa ginagawa ng kuya niya.

Yung totoo? Gangsters talaga sila?

Pagkatapos makakuha ng litrato ay lumapit si Zico kay Ella at ipinakita sa kanya ang litratong nakuha.

"Gwapo ko 'noh?" Nakangisi niyang tanong.

"Oo na lang kuya. Oo na lang."

"O sige, aalis na ako. Alagaan mo ng mabuti ang lalaking 'yan, kapag makulit suntunkin mo para magising. Pambawi na rin sa bukol na binigay niya sa amin." Utos ni Zico at lumabas.

Napapailing si Ella habang nakangiti at tinititigan si Kiro.

"Hay, boyfriend ko ba talaga ang gwapong nilalang na ito?"

"Yep."

Nagulat siya ng marinig ang sagot ni Kiro. Mabilis niya itong nilapitan habang dahan-dahan nitong binubuksan ang kanyang mga mata.

"Kakagising mo lang?"

"Halata ba?" Sarkastiko na tanong ni Kiro.

"Hoy Kiro Minlay! 'Wag mo akong sagutin ng tanong."

"Yes, kakagising ko lang po." Nakangiti niyang sabi habang umuupo sa kama.

"Ah s-sige." Lalabas na sana si Ella ngunit naramdaman niyang may kamay na humili sa kanyang braso.

Bumalik ang tingin niya kay Kiro na nakahawak sa braso niya na pra bang may gustong sabihin.

"Kiro, may problema ba?"

"A-Ah, I just want to say sorry."

Napakunot naman ang noo ni Ella sa sinabi nito.

"Sorry for what? Sorry kung sinigawan mo yung pinsan mong nakikipagkaibigan sa akin o yung ginawa mong paglalasing at pambabato ng mga gamit sa sala kahapon kaya andaming bukol nina kuya? O 'yung anger issues mo, ha Kiro? Choose." Naiinis niyang tanong.

Binitawan ni Kiro ang pagkahawak niya sa braso ni Ella at yumuko.

"Uhm, all of the above."

"Then go and say sorry to your cousin. He's your cousin after all."

Nanlaki ang mga mata ni Kiro sa sinabi ni Ella. "What the heck? I will never say sorry to that bastard!"

Sinamaan siya ng tingin ni Ella.

"I swear, I won't say sorry to him. Bastard!"

Napabuntong hininga si Ella at umiling.

"Such a brat Kiro. Such a bratty gangster." Naiinis niyang sabi at lumabas.

Hindi niya maintindihan ang kinakagalit ni Kiro sa pinsan nito.

First of all, oo alam naman niyang nagseselos siya dahil sa pinsan nito. But what is the problem of being FRIENDS ONLY?

Second, his anger issues. Naiinis na si Ella sa ugali ni Kiro kapag nagagalit ito. He should really take control of his anger.

Third, masyado siyang... ugh! Seloso! Possesive!

He is bipolar!

Hindi niya maintindigan kung ano ba ang nagustuhan niya kay Kiro. He is so bipolar! Minsan ang bait niya then minsan he is back to being cold.

Dang, that gangster.


Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon