CHAPTER 31: Girls Day

1.1K 38 0
                                    

CHAPTER 31: Girls Day

4:36 na ng hapon at kararating lang ng mga babae dito sa mall para bumili ng damit nila sa masquerade ball.

Gustuhin man sumama sa kanila ng buong ALPHA ay hindi nila ito pinayagan dahil "girls day" daw nila ngayon at NO BOYS ALLOWED.

Kaya naman buong maghapon maghahantay ang buong ALPHA dito sa food court habang ang mga babae naman ay bumibili ng damit nila.

Nung isang araw pa kasi nakabili sina Kiro ng damit nila.

"Hindi ba talaga natin sila susundan? Baka kung anong mangyari sa kanila." Nag-aalalang sabi ni Ethan.

"Gusto mo bang magalit sila sa atin? Maghintay na lang tayo dito." Usal naman ni Mark.

Napayuko na lang si Ethan.

Gusto man niyang sundan sina Althea ay hindi niya magawa dahil alam niya na kapag ginawa niya iyon ay makakatanggap na naman siya ng masasakit na batok galing sa kanila.

"Ethan, samahan mo ako. punta muna tayo dun sa video game shop!" aya ni Giro kay Ethan.

nakasimangot naman na sumunod sa kanya si Ethan habang pagewang-gewang pa ng lakad.

"Oh guys aalis muna ako, mag-iikot lang dun sa boutique." Ani ni Ron kaya naman napatingin sa kanya sina Mark, Francois, Zico, at Kiro.

"Mali 'yung iniisip niyo! Mga baliw! Bibili ako para kay Hannah!" sigaw niya at padabog na umalis.

Sa buong ALPHA si Kiro na lang ang natirang nakaupo ngayon dito sa lamesa habang nilalaro ang cellphone niya.

"Nakakahiya silang kasama." Bulong niya.

At...

"Yung totoo Bella, alam mo ba yung dress?" Natatawang tanong ni Irene kay Bella na kanina pa nagsusukat ng dress para sa masquerade ball.

"Nakakainis kasi ang haba nito." Angal ni Bella.

Napangiti naman sila.

"Alam mo ang ganda mo. Pakiramdam ko andito ngayon si Ella dahil sa 'yo." Ani naman ni Irene kaya napatahimik sina Ella, Athena, at Lia.

"Oh guys tama na ang drama! Bili na tayo ng iba pang accessories my gosh!" Sigaw ni Jane at hinila sina Bella papalabas ng shop.

"Ito oh maganda sa 'yo." Sabay abot ni Jane ng necklace kay Bella.

"Seryoso kayo sa dress na binili niyo sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella.

Tinignan naman siya ni Jane at kasabay 'non ang pagtawa ng mga iba pang babae.

"Pumili ka nga Bella 'yung dress na binili namin sa 'yo o 'yung dress kanina na halos kita na 'yung kaluluwa mo?" Tanong ni Jane at humarap ulit sa cashier.

Napakamot na lamang sa leeg niya si Bella dahil wala na siyang magagawa pa.

Ayaw naman niyang makipag-away kay Jane.

"Okay girls! We're done!" Sigaw ni Jane.

"Wow! Andami nating binili!" Saad ni Hannah.

"Balikan na kaya natin sila? Baka kung ano ng nangyari sa kanila." Pagyaya ni Althea pero umiling si Jane.

"No pabayaan mo sila. Let's take our time." Nakangising sabi ni Jane.

Umiling naman si Bella. "Bumalik na tayo. Baka magalit na naman sila."

Bumuntong hininga muna si Jane bago magsalita. "Fine, para makapagbasta na rin tayo." Excited niyang sabi.

Nauna na sina Jane, Athena, Lia, at Irene. At naiwan naman sa likod sina Ella at Althea.

"Pagbigyan mo na Bella ha? Masyado kasi siyang mahilig sa fashion." Bulong ni Althea kay Bella kaya naman napangiti si Bella.

"Ayos lang 'yun."

Nagpunta na sila sa food court at hindi nila inaasahan ang nakita nila.

Bakit wala na ang ALPHA? Si Kiro na lamang ang natira na naglalaro pa rin ng cellphone niya.

"Tsk, boys seriously." Irap ni Jane sabay ikot ng mata.

Nilapitan naman agad ni Ella si Kiro at kinalabit. "Hoy gangster asan na yung iba?" Tanong ni Ella.

Tinignan siya ni Kiro atsaka itinuro ang video game store. "Andun sina Giro at Ethan hyung." Tsaka naman niya itinuro ang grocery. "Nasa grocery si Francois hyung."

"Si Ron hyung naman nasa boutiques, bibili daw ng gamit para kay Hannah. Tapos sina Mark hyung at Zico nasa tabi-tabi nagtatakbuhan." Ani niya at inosenteng tinignan si Ella.

"Aish! Ang sweet talaga ng swaeg ko!" Kinikilig na sabi ni Hannah atsaka sinundan si Ron.

"Bwisit talaga na Giro 'yun! Kailan ba siya titigil sa video games?! Argh!" Naiinis na sabi ni Irene at nagpunta sa shop kung nasaan sina Giro at Ethan.

"Huy! Antay!" Pahabol na sigaw ni Althea at sumama kay Irene.

"Pag ako talaga nakita ko si Zico mananagot sa akin 'yun! Aish! Halika nga Lia hanapin na natin ang dalawang iyon." Tumango si Lia sa sinabi ni Athena at inikot nila ang buong paligid.

"Oh ako lang pala walang boyfriend. Sa MAC muna ako. Bibili ako ng make-up! Bye!" Ani niya at tumakbo sa MAC.

Napatingin naman si Ella kay Kiro na ngayon ay nakangisi na. Sila na lang dalawa ang natira dito kaya naman nagulat na lamang si Ella ng bigla siyang hilahin ni Kiro at yakapin habang nakaupo sa lap niya.

"K-Kiro bitawan mo ako. Baka malaman—"

"Ano naman kung malaman nila? Miss na miss na kita." Sambit ni Kiro atsaka inamoy-amoy ang leeg ni Ella.

"Kiro—"

"Bukas dapat ikaw ang pinakamagandang babae na makikita ko sa ball." Usal niya kaya palihim na napangiti si Ella. "Who am I kidding? Ikaw lang naman ang maganda para sa akin." Bawi ni Kiro.

"Yah! Bitawan mo na kasi ako." Sigaw ni Ella.

Ngumisi naman si Kiro.

"Ang bango naman ng girlfriend ko." Ani niya.

"Ang kulit talaga ng boyfriend ko." Sagot ni Ella pabalik at ngumisi tsaka mahinang kinurot ang ilong ni Kiro.

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon