At ngayon tameme sya… medyo nakaawang pa labi nya… napatitig sya sa kin.

“Seryoso ka? Tss… Nakailang boyfriend ka na ba?”

 

Sasagutin ko yun? “Ang cute talaga ni Whity oh… toots.”

 

“O may ex ka na ba?”

 

“Ahy! Ang kulit ni Whity… wag mo kagatin yang sofa!”

 

Si Geoff-----> -_____________-

Ako--------------> 6_6

Whity------> p_p

“Anong pangalan ng ex mo?” Patuloy pa rin si Geoff

“Hoy Whity! Wag ka jan!”

 

“Sus. May peanut ‘bitter’ dito.”

 

Nakagat ko yung dila ko habang nakatikom yung labi ko. Bat nga ba umiiba ako ng topic?

“Oo na! Wagi ka na! may ex ako, si Jimmy, pangit yun. Labas ang ilong taz may bingot din. Bingi rin sya taz bulag pa ang isang mata…” napasobra naman yata ang paninira ko sa manyak kong ex.

“Ows?” At napasobra din sya ng ‘ows’. “Minahal mo ba?”

 

“Oo. Siguro kasi---“

 

“Ilang buwan kang niligawan?”

 

“Tatlo? O apat? Di ko maalala---“

 

“Bakit mo sinagot?”

 

“Yung alin? Yung tanong mo o si Jimmy?” Sheyts! Asan ang common sense ko?

“Si Jimmy whatever. (-_-)”

“Kasi pursigido naman sya noo---“

 

“Pang ilang boyfriend aber?”

 

“Una. Eeerrrr. Pero marami naman akong manliligaw---“

 

“Alam ba to ni Mylene?”

 

“Aba naman teka!” Sigurado ba syang businessman sya at hindi imbestigador? Kalukaret! Pakiramdam ko tuloy isa akong criminal at in-interview ng isang pakealamerong pulis. Dapat yata ako yung nagtatanong kasi yun yung misyon ko: ang humingi ng dahilan kung bakit ako dapat mabuhay muli.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon