CHAPTER 21

33.5K 1K 101
                                    

Walang bukang bibig to si Ms. Kwon kundi tungkol sa boyfriend nya. Gusto kong bumalik sa special class. Hayyss. Thank god tumunog ung bell, sign na lunch time na.

Agad nag si-tayuan ang mga estudyante at tumakbo palabas ng room. Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang mga gamit ko.

Ilang beses na akong napapabuntong hininga.

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng mga gamit ko. Di ko iiwan ung bag ko dito, baka pag tripan pa nila eh. Tatayo na sana ako ng biglang may kumuha ng bag ko.

"Ano ba?!" Tatlo silang lalaki. Ung isa ung katabi ko kanina.

"Oh look guys! She's so poor, she can't even afford a better backpack" sabi nung kumuha ng bag ko. Tumawa naman ng napaka lakas ung dalawa.

"Please. Akin na ung bag ko" ayoko man mag makaawa sakanila pero wala akong magagawa. Wala na akong pamalit sa bag na yan kasi nag iisa lang yan.

"Beg for it" sinubukan kong kunin sakanya ung bag ko pero dahil matangkad siya, iniangat nya toh kaya di ko maabot.

"she look so pitiful hahaha!" Hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako sa pag agaw ng bag ko. Nahawak ko ung strap kaya sinubukang hilain sakanya pero ang higpit ng hawak nya, di ko makuha.

"Akin na kasi! Bitawan mo na please!" Pilit kong hinihila ung bag ko nang may narinig akong parang napunit. Ung bag ko! Masisira na! ㅠㅠ

"She said let go of it" napatingin ako sa direskyon ng pintuan at di makapaniwala sa nakita ko. Jungkook?

Biglang binitawan nung lalaki ung bag ko kaya napatumba ako kasi bago nya bitawan eh hinihila ko parin ung bag ko. Natumba na nga ako nauntog pa ako sa upuan.

Pagkakita palang nila kay Jungkook na nanlilisik ang mga mata ay agad silang nag takbuhan palabas. Takot din naman pala eh! Psh.

Hinimas ko ang ulo ko dahil sobrang sakit. Tinignan ko ung kamay ko ng may maramdaman akong medyo malagkit. Dugo?!

Nakatingin lang ako sa kamay ko, too shock to do something.

Lumapit sakin si Jungkook at hinila ako para tumayo. Hinawakay nya ako sa pulso at lumabas ng classroom. Tinatanong ko siya kung saan nya ko dadalhin pero dedma lang siya.

Napadpad kami sa rooftop.

Pinaupo nya ako, eto naman ako parang aso sumunod sakanya :3 umupo siya sa tabi ko. Tinitignan ko lang ang mga galaw nya.

May kinuha siya sa bag nya. Bandage? boys scout ata toh Dati eh laging handa haha. Lumapit siya saakin ng onti at nilagay sa ulo ko ung bandage.

"Boys scout kaba?" Tanong ko sakanya habang nilalagay nya sa ulo ko ung bandage. Tumingin lang siya saakin habang nakataas ang kilay na nag sasabing bakit.

"Bat may ganyan ka?" Tanong ko ulit sabay turo sa bandages. Nagkibit balikat lang siya. Pagkatapos nyang lagyan ng bandage ung ulo ko sinuli nya ung bandages sa loob ng bag nya.

"Alam ko kasi na masasaktan ka" mahina nyang sagot pero narinig ko parin.

"Huh?"

"Wala! I said you're an idiot" aba, tatanggi nya pa narinig ko naman :3

Tumahimik lang kaming dalawa ng maalala kong lunch time na pala. Pwede na akong kumain dito sa rooftop. Tahimik at walang mangyayari saakin. Kinuha ko ang baon ko sa bag at kumain na pero siyempre nag dasal muna ako.

"Nga pala. Bat ka napunta don?" Tanong ko kay Jungkook na kasalukuyang nakatingin lang saakin. Pero infairness, hindi ako naiilang.

"Nothing. Napadaan lang."

Transfer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon