Kabanata f(x - 18)

Começar do início
                                    

Binalik ko na lang ulit yung atensyon ko doon sa mala-CSI na pag-iimbestiga ko sa buhay ni Sir Nathan. Kaso napakunot ang noo ko dahil walang nakalagay na information about sa kaniya. Hindi rin niya nilagay yung birthday niya. tanging Madrid, Spain lang ang nakalagay doon.

Iniscroll down ko pa hanggang sa makarating ako sa 'About me' section. Naglagay siya doon ng quote,

Just Enough Remembering, Just Enough Forgetting. - Paul Ricoeur.

Hindi ko alam pero napatitig lang ako ng matagal doon sa nilagay niyang quote. Parang may kakaiba na naman akong naramdaman na hindi ko maintindihan. Rinig na rinig ko pa rin ngayon ang pagbuhos ng ulan sa labas.

Ano ang bagay na kailangang alalahanin pero kailangan ding kalimutan?







"Ngets! pakopya ng assignment!" bungad sa'kin ni Jen pagdating niya dito sa classroom. Tuesday ngayon kaya research I ang first subject namin. Gulat naman akong napatingin kay Jen. "May assignment ba?" tanong ko na ikinagulat din niya.

"Ngets! Meron diba! Sinend ko sayo nung Friday!" reklamo ni Jen at pareho na kami ngayong kabado kasi wala kaming assignment! Wala pa sila Leana at Iryn, at ten minutes na lang mag-uumpisa na ang first class namin. Hala!

"I-shotgun na nga lang natin" sabi pa ni Jen sabay kuha ng yellow pad at kung ano-ano na lang ang pinagsusulat niya doon. Nanghingi na lang din ako ng yellow pad sa kaniya at hinulaan ko na lang din yung 1 to 10 na research question na diagnostic quiz sa amin.

Pagkatapos namin manghula sakto namang dumating na ang prof namin sa research. At may pina-seat work siya sa amin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-concentrate ng maaayos. Hindi naman na umuulan ngayon sa labas. medyo makulimlim nga lang ang langit pero parang hindi naman uulan.

Napatulala na lang ako doon sa seatwork namin, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung nabasa kong quote ni Sir, at bukod doon naaalala ko pa din yung paghatid ni Sir Nathan kay Cassandra sa bahay nito kagabi...

"I just want to" diretsong sagot naman ni Bryan kay Sir Nathan pero sa pagkakataong ito hindi na siya nakangisi o nakangiti. Magsasalita pa sana si sir kaso siya na ang next sa toll gate kaya pinaandar na lang niya ang kotse at hindi na ulit nagsalita pa sa buong byahe.

Sinusubukan namang mag-open ni Cassandra ng interesting na topic kaso mukhang wala ng gana magsalita pa si Sir at Bryan. Samantalang ako eh nagbusybusyhan sa paglalaro ng flappy bird pero ang buong atensyon ko at ang tenga ko ay nakatutok sa kanila. 

Si Bryan naman ay nanahimik din at nagsalpak na lang ng earphones sa tenga. Pero ilang saglit pa hindi pa rin sumuko si Cassandra na pagaanin ang tensyon sa loob ng kotse. Lumingon siya kay Bryan at ngumiti dito "Bry, where's your car nga pala? And what are you doing sa MOA?" nakangiting tanong ni Cassandra, tinanggal naman ni Bryan yung isang earphones niya sabay tingin kay Cassandra.

"I was with my girlfriend, we watched a movie then we decided to go home but my car isn't working, iniwan ko na lang muna sa parking lot at tinawagan ko na rin si Mr. Cruz to get my car and fixed it" sagot ni Bryan, napatango naman si Cassandra habang nakangiti pa rin para mabawasan ang bad vibes aura ni Bryan.

"Buti na lang pala on the way kami" saad pa ni Cassandra, binalik naman na ni Bryan ang earphones niya sa tenga niya at nakinig na lang ng music. Sa byahe, si Cassandra lang ang nagsasalita sa amin, marami siyang kinukwento at nakakatulong talaga yun para mawala ang awkwardness dahil sa seryosong sagutan ni Sir Nathan at Bryan kanina.

"Dito na lang ako" sabi ni Bryan nang mapadaan kami sa SM Bacoor, ihahatid muna kasi ni Sir Nathan si Cassandra at liliko sa kanan papunta sa Mabolo, "Ihahatid ko na kayo" sabi ni Sir Nathan pero nagpumilit pa rin si Bryan na bumaba. Kaya wala ng nagawa si Sir kundi itigil yung kotse sa tapat ng SM Bacoor, umaambon na lang naman na ngayon kaya wala ng problema.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Onde histórias criam vida. Descubra agora