Chapter 8

372 10 33
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 8

Nakabili na sila ng mga gagamitin at nasa school na. Bago makarating sa kanilang clubroom ay madadaanan nila ang basketball court. Kasalukuyang nasa court ang mga varsity players nila para sa practice game.

Napahinto siya ng mamataan ang isang lalaking swabeng nag-three points shot. Pasok ang tira nito. Kahit nakatalikod, nakilala niya agad ito. Kasabay kasi niyon ang pagdagundong ng kanyang puso. Hindi nga siya nagkamali ng paglingon nito ay ang nakangiting mukha ni Markus ang kanyang nakita. 

Nabigla siya ng kalabitin siya ng kanyang bestfriend.

"Bessie, yung mga mata mo o. Saka nagdrool ka na." at paimpit itong tumawa.

Agad siyang napahawak sa kanyang bibig. Nang mapagtanto ang sinabi ni Mel ay bigla itong hinampas.

"Ikaw na bruha kang talaga. Pinagloloko mo na naman ako."

Tumawa na ito ng malakas. "E kasi naman po, parang biglang tumigil ang mundo niyo Ms. Castañeda. Nasilayan niyo lang ang prince charming niyo."

"Heh! Magtigil ka. Lika ka na nga." kunyari nanggagalaiti niyang sabi.

"Ay. Alis na tayo? Di tayo lalapit sa kanya? Kahit mag-hello man lang?" panunudyo parin nito.

Sasagot pa sana siya ng mamataan nilang tumigil na ang mga manlalaro. Mukhang breaktime na ng mga ito. Hihilahin niya na sana paalis si Mel bago pa sila makita ni Markus. Ngunit sa pagsulyap niya ulit sa direksyon nito. Nagsalubong ang kanilang tingin. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. At pagkatapos kunin ang towel at bottled drink ay naglakad ito palapit sa kanila.

"Hey ladies. Anong ginagawa niyo dito?" nakangiting tanong nito. Puno pa ng pawis ang mukha nito. Pinunasan nito iyon ng dala nitong towel. Kahit basang basa ito ng pawis, parang ang bango bango parin nitong tingnan. At kumpara sa mga kasamahan nito sa basketball, nagsta-stand-out talaga ito sa lahat. Pangalawang araw palang nito sa school pero parang kilala na ng lahat.

Noon niya lang din napansin na mas marami kesa sa usual na mga estudyante tuwing sabado ang andito ngayon sa school. At mga babae ang karamiham. Nagtaka siya. Ano bang meron ngayon? Saka lang niya na-gets na malamang si Markus ang dahilan dahil nakita niyang parang kinikilig ang mga ito habang dumadaan sa harap nila sabay kaway sa binata ng tila pa nahihiya. Nang kumaway pabalik si Markus, halos maglulundag sa tuwa ang mga ito. Napailing siya ng lihim. 

Grabe ha! Di man lang nahihiya ang mga to!

"Hello Markus. May gagawin kami ngayon sa club. Para sa nalalapit na socialization day and gala night." si Mel na ang sumagot ng di siya umimik.

"What club?"

Siya na ang sumagot ng dumako ang tingin nito sa kanya. "Science club. Kami kasi ang naka-assign ngayon para mag-organize sa event." laking pasasalamat niya at lumabas ng normal ang boses niya kahit ba tinatambol ang kanyang dibdib sa kaba.

Oh puso! Mag dahan dahan ka naman!

"I see. Lahat ba ng student kasali?"

"Hindi. Mga third year at fourth year lang ang kasali. Sabay na din ang JS Prom sa event na ito."

"Kasali na pala ako diyan?" he asked. 

"Oo nga. Kayo nila Camille at Celine. I'm sure ma-e-enjoy niyo ito. Sa isang beach resort gaganapin ang event." sabi ni Mel.

"That's nice. Nung third year ako, sa isang hotel ginanap prom namin. The usual polo and evening dresses. Saka banda pa namin ang kumanta." he said smiling.

Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon