Chapter 7

375 11 0
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 7

It was fine saturday morning. Maagang nagising si Katherine at naghanda. May lakad sila ni Mel papuntang mall. Mamimili sila ng mga materials para sa community service club nila. Isa siya sa kasalukuyang officer.

Nang matapos maligo at makapag-bihis, bumaba na siya sa sala at dumeretso sa kusina. Naabutan niya ang kanyang ina doon na naghahanda nang agahan.

"Goodmorning Ma." sabay halik sa pisngi nito. " Si Papa?"

"Morning nak. Naliligo pa Papa mo. May meeting sila ngayon sa office." sagot nito habang nilalagay naman sa coffee maker ang coffee beans. Tinulungan niya ito sa paghahanda.

"Tulog pa po ba si Charnie at Sheena?" ang mga nakababatang kapatid ang kanyang tinutukoy.

"Oo, tulog na tulog pa. Alam mo namang basta friday nagpupuyat ang dalawang yun sa panonood ng disney."

Friday at Saturday night lang kasi sila pinapayagang magpuyat sa panonood nang tv series o movies. Wala naman kasing pasok kinabukasan.

Minsan, sabay silang tatlong inaabutan nang late hours sa sala. Mas madalas nga lang na ang pinagkakapuyatan niya ay ang pagbabasa ng mga novels.

Mahilig siyang magbasa ng romance novel na gawa ng mga paborito niyang manunulat. Sa kasalukuyan ay binabasa niya ang contemporary novel ni Judith McNaught.

"Ngayon na ba kayo pupunta nang town ni Mel?"

"Yes Ma. Pagkatapos, dederetso na po kami sa school para doon na iwan sa clubroom ang mga nabili namin." Kahit sabado, may mga estudyante paring nasa school nila. Lalo na yung mga nagpa-participate sa mga clubs at sports.

"O sige, mag-ingat kayo sa mall ha. Hala, maupo ka na diyan at kumain na."

Kumain na nga siya. Maya-maya lang kasi, alam niyang darating na si Mel.

Pagkatapos kumain, umakyat siya ulit sa taas para kuhanin ang backpack niya at wallet. Habang pababa tinext niya si Mel at tinanong kung saan na ito. Kasisend palang niya nang marinig ang doorbell. Sigurado siyang ang kaibigan na ito.

Dali-dali ang ginawa niyang pagbaba. At di nga siya nagkamali nang mapagbuksan ang kaibigan. Pinapasok niya muna ito sa loob.

Dumeretso na sila sa dining table kung saan kasalukuyang nakau-upo na ang kanyang ama.

"Morning Pa. Andito po si Mel. Punta po kaming mall ngayon."

"Morning po Tito Alfred at Tita Angel." bati ng kanyang kaibigan sa kanyang mga magulang. Matagal na ding magkakilala ang kanilang mga pamilya.

Sila ang mga naunang residente sa Sunrise Village na iyon. Kaya di lang sila magkaklase ni Mel kundi magkababata din kasama si Marvin na nakatira sa kabilang kanto. Sila Mel naman ay dalawang bahay ang pagitan sa kanila. Nasa kaliwang bahagi naman nila ang kina Abigail Rose.

"Goodmorning hija. Hali ka kumain ka muna." sabi nang kanyang ina.

"Ay, tapos na po akong magbreakfast sa bahay Tita, pero, hihingi po ako nitong cupcake ninyo."

"Sige kumuha ka lang diyan. Mamaya pala pag-uwi ninyo, daanan mo itong dalawang box ng cupcake para sa Mama mo. Nag-order kasi yung isa daw niyang officemate. Sa inyo naman yung isang box."

"Nagpasabi nga po siya Tita." sagot ni Mel habang nilalantakan na ang cupcake.

"Aalis na ba kayo niyan?" Tanong ng kanyang ama.

Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu