Chapter 78: Oracle

Magsimula sa umpisa
                                    

"See? Pakawalan nyo na sila. Bigyan mo sila ng ilang araw para magawa ang kanilang trabaho rito bilang ating orakulo."

Wala nang nagawa ang hari kung hindi ipag-utos ang sinabi ni Frank. Minsan naiisip nya, sino nga ba ang nakakatanda sa kanila? Masyadong komplikado ang lahat.























~*~













Sa kabilang banda ay patuloy lamang sa paglalakbay ang tatlong magkakaibigan patungo sa mundo ng mga tao. Hanggang ngayon ay malalim pa rin ang pag-iisip ng mga ito dahil sa naging kaganapan na plano kanina bago sila umalis sa akademya.


Maayos na sana ang lahat kanina sa pagtakas ngunit walang nakaligtas kahit isa na hindi kasama sa mga mata at kapangyarihan ng tagapahamahala ng eskwelahan kaya napagdesisyunan nilang gumawa ng Plan C na alam nilang kayang gawin ngunit mas mapanganib at maaring may magbuwis pa ng buhay sa kanila pero wala silang pakialam.


Ano nga ba iyon?



"Malapit na ba tayo?"


"Nagad-dayo pay?"


"Are we there yet?" Naiiritang tanong muli ni Vanessa habang sinisipa ang munting bato sa kanyang paanan.


Napailing na lamang ang dalawa. Nakailang tanong na ito sa kanila gamit ang iba't ibang dayalekto na sa palagay nila ay ang iba ay inimbento na lamang ng dalaga.


"Malayo pa." Maikling sagot sa kanya ni Carlos bago nito ayusin ang kanyang salamin.


Napabuntong hininga si Vanessa at nagpapapadyak ng mga paa. Kanina pa sya tanong ng tanong kung malapit na ba sila sa kinaroroonan ng portal patungong mundo ng mga tao ngunit paulit-ulit lamang ang sagot ng mga ito sa kanya. Pagod na sya at naiirita at lalong lalo na nagugutom, gaano ba kalayo iyon? Mukhang inilipat na naman ang portal na iyon ng headmaster upang pahirapan sila, sya. Pagdusain sya sa gutom.


She doesn't know the word diet. She rather die than to skip a meal. That's V-A-N-E-S-S-A stands for.


"Dapat kasi talaga naiwan na lang ako kasama nila Feressa sa academy eh, atleast dun magsosolve lang sila ng formulas ng........hehe sabi ko nga dapat dun na lang ako kina Andrei na lumusob sa kuta ng bathaluman----ah eh wala pala akong talent sa pakikipaglaban sa mga chuckie. Waaaaaaaahh! Hindi ko na kaya. Parang ayoko ng lang tumulong!" Pagngangawa ni Vanessa.


"Ito ang pangatlong plano diba? Sina Ferresa nagsolve ng Math formulas para sa mga grado natin sa akademya habang wala tayo. Hindi maaaring wala yun dahil kabilang pa rin tayo bilang estudyante. Pangalawa, sina Andrei ang bahalang kumamusta sa lagay ni Cashmere, ang pwesto nila ay napapaligiran ng oras oras na halimaw na may nakakabulasok na amoy at masakit sa ulong mga itsura. Pangatlo, ikaw Vanessa isa ka sa mga estudyanteng maaaring makalabas at gumawa ng misyon na ito, hindi si Michelle, hindi si Carl o kahit sino pa man.......dahil tayo lang. Wala kang choice. Hindi mo rin naman maaatim na hindi tumulong eh."


Napasabunot na lamang si Vanessa sa kanyang buhok at padabog na nauna na sa kanila sa paglalakad.


"Nice one Carlos." Nakangiti ng nakakaasar na sambit ni Jayden habang nakatingin kay Vanessa na papalayo na sa kanila.


"She's just more immature when hungry." Nakabusangot na sabi ni Carlos.


Napatawa na lamang ng mahina si Jayden. He's amused with that girl.



















~*~













(Author's Note)













Sorry for the late update. Nasa bakasyon pa po kasi eh. Hahahaha. Bawi na lang next time, at next time na lang din magbibigay ng casts.



Thank you so much for supporting Moon Academy. Really appreciated it po. Arigato.















HountoniDaisuke

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon