Chapter 78: Oracle

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabay silang napatingin sa akin nang may gulat na mga mukha.

Ugh. Hindi ko dapat ito pagsisihan.










~*~












(Third Peron's POV)









Matatalim ang mga tingin na ibinibigay ng hari sa kanilang tatlo.

Nanginginig. Namamawis ang mga palad. Hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kaharap. At ilang beses ng napalunok ng laway. Ilang sintomas ng isang taong kinakabahan katulad ni Patrick.

"Bakit hindi nyo sinabi kaagad ang gayong bagay?" Panimulang sambit ng hari.

Walang umimik sa tatlo kaya napilitan ang hari na tawagin ang mga tagabantay at itutok ang mga patalim ng mga ito sa kanila.

"Mga orakulo na pinadala ng akademya? O isa kayo sa mga espiya?"

Naguguluhang napatingin ang tatlo sa hari. Anong sinasabi nito sa kanila? Orakulo? Espiya?

"Anong ibig nyong sabihin?" Hindi na naiwasang itanong ni Matthew.

"Ang sinabi sa akin ay isa sa inyo ang orakulo na pinadala ng akademya sa aming kaharian ngunit may parte sa akin na nagsasabing hindi, mali, walang orakulo kundi mga espiya. Tama ba ako?"

Nagkatinginan ang tatlo at lihim na napahinga ng maluwag ngunit agad ding nawala iyon nang mapagtanto ang sinabi ng hari.


Orakulo.


Nagkamali lamang ba sila ng rinig?


"O-Orakulo?" Tulalang pag-uulit ni Patrick.

Napangisi ang hari sa nakita.


"Mukhang tama nga ako. Isa kayong mga espiya. Mga kawal, ikulong sila at bitayin sa harap ng ating mamamayan!"

"Sandali!" Pagpipigil ni Frank sa mga nangyayari.

Hinihingal ito at may ilang galos na natamo galing sa mga kawal na pilit pumipigil sa kanya pumasok sa silid.

Napataas ang kilay ng hari.


"Anong kailangan mo dito?"


"Sila."


"Ang tinatong ko ano hindi sino."


"Pareho lang yun. Teka hihinga muna ako!" Pagbubwelo ng batang si Frank.

Napabuntong hininga na lamang ang lahat. Walang galang at respeto sa nakakataas at nakakatanda at nakakagwapong nilalang.

"Hindi nyo maaaring patayin ang ating orakulo at ang mga kasamahan nito. Malaking tulong ang kanilang maibibigay sa nalalapit na paglusob."

"Paano ka nakakasiguro na orakulo sila bata? Batay sa reaksyon nila nang nag-uusap kami kanina ay sapat nang ebidensya upang mapag-alaman sila na espiya."

"You're being childish my king. That is not an evidence, it's only a stupid hint. Now, lend me some strong evidence that will prove they're spies not an oracle." Seryosong sabi ni Frank.

Hindi maiwasang mamangha ng ilang kababaihang katulong sa palasyo na nakarinig.

Napaiwas ng tingin ang hari. Hindi nya alam ang sasabihin, mahirap mang aminin pero tama ito. Wala syang ebidensya. Nagbatay lamang sya sa mga reaksyon ng mga ito kanina lamang.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon