Mapayapa ko na sanang mailalagay yung sulat ko, kaya lang biglang may pumigil sa kamay ko at hinablot yung sulat.

Agad ko itong inagaw ngunit nailayo nya agad.






"Ano to ha? Love letter?"
Sabi nya habang nakangisi ng pang-iinis


"Akin na nga yan!"
At inagaw ko ito muli ngunit nailalayo nya agad.



Nakita ko na binuksan nya yung sobre at tinignan ang sulat na nasa loob.


"Dear Shiro, first of all. . . ." Sinimulan nyang basahin ang laman ng sulat ko para kay Shiro kaya pinilit ko itong agawin muli sa kanya pero nailalayo nya agad.




". . . . Thanks for being my knight in shining armor everytime that I need help. If I need a hero, you just come on time. . . ."
Lalo pa nyang nilalakasan ang pagbasa na halatang pinaparinig sa lahat para lalo akong mainis.




Buti na lang at walang tao dito dahil ang iba ay umuwi na at ang iba naman ay nasa cafeteria.




"Uy akin na yan! Ano ba Toffy! Di ka na nakakatuwa! Ano bang ginawa ko sayo? Bakit ba ganyan ka sakin?!"
Sa inis ko ay nasigawan ko sya at kung anu-ano na ang pinagsasabi ko.


"Bakit kita ginaganito? Bakit? Ako lang ba ang gumagawa nito sayo?"
Sabi nya sa akin in a sarcastic way.


Medyo natigilan ako sa sinabi ni Toffy.
Tama sya.
Hindi lang sya ang gumagawa nito sakin. . . Lahat sila.





Pero mas nabigla ako sa sunod nyang ginawa, iniharap nya sakin ang sulat ko at saka. . . . .

PINUNIT

Pinunit nya ito sa mismong harapan ko.

Pinunit nya ito at pinagpira-piraso habang nakangiti sya sa akin, at pagkatapos ay inihulog ito sa may paanan ko.


Nakita ko ang ngiti na nasa kanyang mga labi na nagpapahiwatig ng pang-iinis sa akin.


"Pulutin mo kung gusto mo"

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon, ay umalis na sya at iniwan ako na nakatulala pa din sa nangyari.












"Sasama ka ba sakin o magpapaiwan ka lang dyan para bully-hin nila?"


Naaalala ko yung mga sinabi sakin ni Shiro.




"Hangga't di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, at wala pang magtatanggol sayo. . . don't worry, you're under of my protection"



Para bang kusang nagpe-play back sa aking isipan ang mga bagay na nagawa nya para sakin.




"Gusto mo pa bang umiyak? You can use me to lean on when you want to cry more"



Ang mga nagawa at nasabi nya na hinding hindi ko malilimutan.




"Maganda ka pa din kahit wala kang salamin"


Ang lahat. . . . para bang naglaho.


Napayuko lang ako habang pinagmamasdan ang sulat na nakapira-piraso sa aking paanan.

Ang sulat na naglalaman ng lahat ng gusto kong sabihin kay Shiro.
Sulat na pinaghandaan kong mabuti.
Sulat na pinagpuyatan ko kagabi.

Sa isang iglap, wala na itong lahat.



Dahan-dahan akong lumuhod para mahawakan ang sulat na nagkapira-piraso sa aking paanan.

Bigla na lang may gumuhit na luha sa aking pisngi na kumawala sa aking mga mata.





Bukod kay Ririn, si Shiro din ang nagparamdam sa akin ng halaga ko sa buhay.

Sya ang nagpaniwala sa akin na totoo palang mayroong Knight in Shining Armor na handa kang iligtas sa oras na kailanganin mo sya.
He treats me like a special someone na ni minsan hindi ko nakitang ginawa nya sa iba.
And that's the reason why I fall for him.




Tumayo na ako at pinunasan ang luha sa aking mga mata gamit ang braso ko.
Hindi ko na pinulot pa ang mga papel na nasa aking paanan.


Iniwan ko na lamang ito, at diretsyo at taas-noo akong naglakad palayo ng walang lingon-likod.




________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

To be continue. . .
[END OF CHAPTER 15]

Your Secret Admirer, DWhere stories live. Discover now