Pagkita ko...

Wala na sila. Wala na. Walang kabaong. Abo nalang sila mommy, daddy at kuya.

"Tita, pwede po ba tayong mag-usap?" Pumunta ako kung saan naka-upo si Tita Karla, at umupo sa tabi nya. "Ahm, Oo naman iha."

"Bakit nyo *hiccup* po sila ipinacrimate?" Hindi naman kasi tama ang ipacrimate sila nang walang paalam saakin. AKO ANG ANAK, KAYA AKO ANG MASASAKTAN AT ANG NASASAKTAN!

"Sorry Kath. Di na namin naitanong." 

"Wala manlang akong huling sulyap sa kanila.."

"I'm sorry iha. We are sorry.. Its our fault, di ka man lang namin naitanong.."

"Tita... *sniff* wala na sila... *sniff*"

"Wag kang mag-alala kath.. Kami na ang tatayong magulang mo, tutal, enganged na kayo ni Daniel."

"Thankyou po. Thankyou!" Sabay yakap ko kay tita

"Labas muna po ako tita."

Lumabas ako. Pumunta ako sa may favorite spot ko sa bahay, dun sa may fish pond, at dun ako umiyak. Umiyak ng umiyak. Kung saan ko ibinuhos ang kalungkutan ko. Hindi ko man lang inappreciate lahat ng ibinibigay saakin ng pamilya ko.

At NGAYON...

Wala na sila.

Habang pinupunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Naramdaman ko na may biglang humawak sa kanang balikat ko.

"Kath.." 

"Oh, Dj. Ikaw pala yan. Bakit ka andito?"

"Heto. Nilalabas ko lahat ng sakit sa puso ko." Bigla nya akong inakbayan. "Shhhh. Kath, makakayanan mo rin yan. Alam ko. Nararamdaman ko."

Sumandal ako sa balikat nya ng dahan dahan habang kinekwento ko ang nararamdaman ko. Dati, ang akala ko kaya kong mabuhay ng wala sila. Hindi rin pala. Kaya, kailangang pahalagahan lahat ng simpleng bagay na ibinibigay ng pamilya nyo sa inyo. Dahil hindi natin alam, kung kelan sila kukunin ng diyos. 

Alam ko naman na hindi ako pababayaan nila tita Karla. Mahal ko na si Daniel ngayon, at hinding hindi yun magbabago.

---------------------------------------------------

JULIA'S POV

Kamusta na kaya ang besfriend ko? Sana namatay na sya sa hirap ng buhay na wala ang magulang.

Shit, tama ba itong pinagsasabi ko?! What!? Ano!? Siguro tama ito. Malamang, hindi ako nakokonsensya.

DAHIL AKO ANG NAGPAPATAY SA PAMILYA NYA.

FLASHBACK.

"Ano, okay na ba, ha?" Tanong ko sa taong hi-nire ko para sa karumaldumal na mangyayari ngayong gabi.

"Yes boss. Okay na po. Ang bayad?" Atat naman ito. Psh. "Eto. Kumpleto yan, 50,000 pesos. Kahit bilangin mo pa yan. Walang labis, walang kulang."

"Thankyou boss! The best ka talaga."

"T-teka, anong kotse gamit mo? Baka ma-trace yun!" 

"Dont worry Boss. Carnapped yung kotse na yun, at isa pa, dinumihan ko ang plate number. Malamang, hindi nila nakita yun."

"Yan ang gusto ko! Salamat. Sa UULITIN."

Nabangga na sila. Binangga sila gamit yung kotse. At ang maganda pa, may tatlong bomba sa loob ng kotse nila. Patay na yun. Patay na.

-END OF FLASHBACK-

Sana nga, patay na sila. Maagaw ko na rin si Daniel. 

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

DANIEL'S POV

I feel sorry for kath. Grabe. Naiiyak ako sa kwinento nya saakin, lahat ng pangarap nya para sa pamilya nya, hindi na nya magawa. Dahil wala na syang pamilya.

Pero, andito naman kami. Kami ang pangalawang pamilya nya.

Kami ang masasandalan nya...

 Atsaka, andito naman ako. Andito ako ng future husband nya para magpasaya, mag-aaruga, at syempre, ako ang taong mamahalin sya ng lubos.

------------------------------------------------------------------------------------

Eto update ko. Sana magustuhan nyo.Pero, paano ba maagaw ni Julia si Daniel? Hmm. *mwehehehe* :) Yan ang dapat abangan ;) MAY PASABOG NANANAMAN AKO!

Wait for the next update! VOTE AND COMMENT, OR ELSE, NO UPDATE! :D

Mahaba na update ko after this promise :D

True Love | KathNielWhere stories live. Discover now