TRUE LOVE? [1]

37.2K 341 32
                                    


KATHRYN'S POV

Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil lahat nalang ng kaibigan ko, may jowa na. Napaghuhulihan na ata ako pero hindi ko naman iniintindi yun dahil ang priority ko talaga ngayon ay makatapos at magfocus lang sa pag-aaral.

Paulit-ulit nalang nila akong tinutukso na wala akong boyfriend. As if naman mamamatay ako kung wala akong boyfriend, no? 

Naiintindihan ko naman. Paano naman ako magugustuhan ng mga lalaki e hindi ako pala-ayos. Mas astig pa ako sa karamihan diya. Kaya nga tinutukso ako ni Kuya Neil, ang panganay sa pamilya namin, na mukha daw akong labandera na tomboy pag tapos na ang school.

"Nag s'sideline ka ba? Mayaman naman tayo ah? " Yan ang panukso nya saakin. At oo, sinasaktan ko sya tuwing tinutukso nya ako ng ganyan. Hahablutin ko kung ano ang pwede mahablot sa kanya tuwing sinasabi niya yan.

Sabi ng mga kaibigan ko na kailangan ko na daw mag karoon ng Lovelife. Pati rin si Kuya, sabi nya, kailangan ko na daw magka-lovelife. Bakit ba? Hangin ba to na vital sa buhay ng isang tao? Tsk.

"Kath! May ipapa- Blind date ako sayo.. Please?" Ang kulet talaga ni kuya. Inirapan ko lang siya.

"Anak, payag kana!" Isa pa tong si Mommy. Eh ayoko nga!

"Opo." Pabulong kong sabi kahit alam ko naman sa kaibuturan ng puso ko na hindi ako makikipagblind date pa ulit.

Paano naman kasi, yung pinapadate nya sa akin e hindi ko naman type. Hindi ko din alam kung ano ang type ko sa lalaki since I have never fallen in love in my whole existence. Hindi ko din alam kung bakit never akong kinilig sa kahit sino. Pusong bato kung pusong bato, pero wala talaga eh.

---

DANIEL'S POV

"Ayan na siya!"
"Omg, he's so hot!"
"Ang gwapo niya!"

Naglalakad lang naman ako sa hallway pero naririnig ko ang iba na sumisigaw sa bawat oras na napapalapit ako sa kanila. Hindi ko naman masisisi, gwapo ako eh.

Fourth year high school na ako at tatlong taon na akong MVP ng bsketball team ng university. Ako rin ang team captain nila sa soccer. 

--------

Maikli ba? Hehehe :) Abangan nyo ang susunod na chapters.. Mahahaba na yung mga yun.

True Love | KathNielWhere stories live. Discover now