Chapter 30

5.3K 177 85
                                    

AN: There you go. drifter_01 asan na mga kasunod? Haha. Charot. Intindihin natin na busy ang author. Yun lang.

==================================•

Jirah

Kung may nagbago man sa akin magmula nang maging isa akong Engineer at magtayo ng sarili kong firm, iyon ay ang pagkawala ng mahabang pasensiya ko sa mga tao. Well, mahaba pa rin naman siya pero ayoko sa mga taong paulit-ulit. Kagaya na lang nitong babae sa harap ko.

"Bakit kailangan hiwalay pa kami ng opisina ni Anton, miss? Mas madali kung magkasama na lang kami sa iisang opisina, mas makakapagtrabaho kami ng mabilis. Ang kulit mo naman," for the nth time ay sabi ko sa babae. Mas madali kasi iyon. Kapag may project kami ni Anton na magkasama ay mas madali sa amin na nasa iisang lugar lang kami para mas madali kaming nakakapag-usap at nakakapag-share ng ideas sa isa't-isa.

Nasa site ako kanina, sa ipinapatayong school at napakarami ko na agad gustong baguhin, gawin at idagdag kaya lang nang dumating ako dito sa temporary office sa building na pag-aari ni Jia ay sinalubong ako nitong babaeng 'to at sinabi na ang opisina daw pansamantala ni Anton ay three floors down pa mula sa opisina ko. Napakalayo.

"Ma'am, ang utos po kasi ni Ma'am Jia ay itong opisina na ito ang sa inyo. Kung gusto po ninyo ay sa kanya na lang po kayo magsabi. Her office is down the hall," expressionless na paliwanag nito. Hindi pinansin ang reklamo ko. I glared at her. Secretary ni Jia ang babaeng 'to.

"Bakod na bakod," narinig kong bulong ni Anton na nakaupo sa upuan sa harap ng isang working table at may ginuguhitan doon.

"What?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "wala. Ang sabi ko bakuran na natin 'yung site para wala nang nakakapasok na kung sino-sino."

I rolled my eyes bago muling tiningan ang babae na hindi pinapansin ang masasamang tingin na ibinibigay ko sa kanya. Taong bato yata itong secretary ni Jia.

"Ji, mamaya ka na magreklamo diyan, we have to start working. Sayang ang oras," Anton said.

I threw my hands in frustration, "fine! Miss pakisabi sa boss mo ilipat dito si Anton or better yet ako na lang ang lilipat sa opisina niya, okay?"

Pinagtaasan lang ako ng kilay nito kaya naman gusto ko na talaga siyang tusukin ng lapis. I grumbled nang makalabas ito at lumapit sa working table. Kinuha ko ang isa sa mga pencils doon at tumabi kay Anton saka nagsimulang magtrabaho.

***

"I think mas okay kung ililipat natin ang clinic dito," itinuro ko ang isang parte ng blue print. "What do you think?"

"Okay lang, we could also add water fountains sa paligid." Dagdag nito.

I was about to agree when someone opened the door. Napatingin kaming pareho ni Anton doon. It was Jia.

Jia, who looked like a goddess. Bakit ba ang ganda-ganda niya lalo ngayon? Ang unfair. I felt Anton nudging me at the side, I looked at him. Inilapit naman niya ang mukha sa tenga ko saka bumulong.

"You're staring," he said.

Naramdaman ko namang namula ang mukha ko saka mabilis na inalis ang tingin ko kay Jia. I cleared my throat. Lumapit si Jia sa amin.

"Miss Morado, we haven't been formally introduced," Anton extended his hand. "Anton Asistio." He smiled charmingly.

Si Jia ay tiningnan lang ang nakalahad na kamay ni Anton, pinigil ko ang mapangiti nang hindi agad tanggapin ni Jia ang kamay nito. Tinanggap niya lang 'yon when Anton started squirming at mukhang nangangawit na rin ito. And being a gentleman ay hindi nito ibababa ang kamay hanggat hindi tinatanggap ng kausap o sabihan siyang ayaw makipag-kamay sa kanya. I heard him breathed a sigh of relief nang finally ay makipag shake hands sa kanya si Jia.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now