Chapter 21

6.2K 178 13
                                    

AN: Ayan, sinipag na naman po ang ating magaling at mabait na author. Haha. Eto na, bawal kiligin ah. Hihi.

================================

Jirah

"Your parents like me, hindi naman nakakapagtaka yon, Jia. Masyado talaga akong lovable, kaya nga patay na patay ka sa'kin di ba?" Mayabang na sabi ko kay Jia habang nakahiga sa kama niya, pumunta kami dito kwarto niya pagkatapos ng dinner with her parents. Sayang lang wala yung mga kapatid niya.

"Ang yabang mo diyan," binato niya ako ng t-shirt na kinuha niya sa closet niya. Dito na lang daw kasi kami matutulog dahil medyo gabi na sabi ni Mamu, sinabihan pa niya kami ni Jia ng 'don't do something your Papu and I wouldn't do' na ikinapula ng mukha naming dalawa ni Jia.

"Totoo naman, impressed sila sa'kin, Jia. Gosh, ang ganda ko talaga," pagyayabang ko pa.
Lumapit naman si Jia sa paanan ng kama at tiningnan ako ng masama.

"Ano namang connect ng maganda ka kaya sila impressed? What did you say to Papu? Bakit boto siya sa'yo?"

"Your parents are charmed, just like you are, my love. Nagtaka ka pa, ikaw nga hindi nakaligtas sa akin eh."

"Napakayabang mo talagang leche ka," irap ni Jia.

Tumayo ako at mabilis na hinila siya sa akin pahiga, napasigaw pa siya ng bahagya sa pagkabigla. Niyakap ko siya ng mahigpit, inhaling her familiar scent. Home.

"Ang bigat mo, Julia," pabirong sabi ko.

Akmang tatayo siya pero natatawang pinigilan ko. "Joke lang. I love you."

She looked at me, pagkatapos ay pinitik ako sa ilong. "Hindi ako mabigat, how dare you? Kapal ng mukha mong Llaneta ka."

"Binibiro lang kita, Jia ko. Pa-kiss nga."

Pumikit ako at ngumuso saka hinintay na halikan niya ako pero ilang sandali na ang lumipas pero wala pa din so I opened my left eye and I saw my love looking at me as if memorizing every inch of my face.

"Matunaw ako niyan, sige ka," sabi ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Sungit. Sige na nga, titig lang."

"I love you, Jirah," she said after a moment. "Kaya huwag kang aalis sa tabi ko, okay? You and I forever and ever, baby."

Okay. Kinikilig po ako.

"Always, Jia."

"Yes, always," she kissed my lips softly, pero parang hindi pa din ako satisfied so I tried to deepen our kiss but to no avail because Jia's the one dictating it. Frustrated, hinawakan ko siya sa batok para ilapit siya lalo pero she pinned both of my hands above my head and continue with her soft kisses. Hala, kailan pa naging ganito kalakas si Jia? Well, I'm not complaining naman.

I was really getting into it nang biglang umulan at bigla ding ihinto ni Jia ang kiss namin, tumingin siya sa direction ng bintana.

"Jia..." I whined.

"Wait lang, baby," she said saka tumayo at binuksan ang makapal na kurtina sa kwarto niya.

Inis na tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Jirah, it's raining. Maligo tayo sa ulan," excited niyang sabi.

"Ayoko," walang ganang sabi ko, inalis ko ang unan sa mukha ko at tumingin sa kanya na nakasilip pa din sa labas ng bintana.

"Bakit naman?" Binalingan niya ako.

Binato ko sa kanya ang unan na yakap ko, nasalo naman niya ito ng walang hirap.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now