Chapter 15

7.5K 213 26
                                    

AN: Isa ha, kapag sinabi ko na walang kikiligin, wala dapat kikiligin. At kapag sinabi kong sa'kin lang si Jia at si Jirah, sa akin lang sila. Matakot kayo sa akin please. Haha. Bawal din magsmile habang nagbabasa nito.

Kasama na din pala sa story na 'to yung pinakacute na rookie ng ALE. Hihi.

Hay nako, ang kukulit. Eto na yung update nyo. Hahaha. Iyak muna kayo bilis para sa next update, charot!

Enjoy guys. Beb drifter_01 mahal ko na talaga sila. Haha. Lablab - Tin

===================================

Jirah

"Baby love, anong gusto mo sa isang tao?" Out of the blue na tanong ko kay Jia, nakahiga ako sa lap niya dito sa sala, naglalaro ako ng video game habang nagbabasa siya ng magazine, gumala kasi ang mga kasama namin.

Medyo maluwang na kasi ang schedule ng lahat dahil summer na at tapos na ang season. Siyempre, champion ulit kami. Medyo malungkot nga lang dahil umalis na ang sila ate Den tapos naghiwalay pa sila ni ate Ly kaya tuloy super lungkot nung isa.

"Ano na naman bang tanong yan, Jirah?" sabi ni Jia na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

"Wala lang, ang dali kasi nitong nilalaro ko eh," at para na rin alam ko kung anong mukha ang hindi ko papalapitin sa Jia ko o kaya naman ipapahanap ko na lang silang lahat at ipatatapon sa pinag - aagawang teritoryo ng Pilipinas at China para wala nang makitang ganong mukha si Jia.

Ibinaba naman ni Jia ang hawak na magazine at nag isip.

"Gusto ko yung singkit." Seryoso siya? Aba, yon pa lang di na ko pasok ah. "Maputi, matangkad sa'kin at setter din." Natatawa pa niyang dagdag.

Wala, lokohan na 'to. Kahit isa wala akong tumama, morena ako, mas matangkad ng half inch sa'kin si Jia at higit sa lahat hindi ako setter. Tiningnan ko siya nang masama saka kunwaring tumayo at akmang magwa – walk out na pero pinigilan niya ako.

"Teka, saan ka pupunta?" hinila niya ako paupo sa lap niya habang natatawa.

"Jia, naglolokohan tayo dito, sabihin mo lang kung pinaglalaruan mo yung damdamin ko. Kabaliktaran ko lahat yang sinabi mo eh. Ititigil na ba natin 'to?" Kunwari ay nagtatampong sabi ko pero okay lang naman sa'kin. Alam ko naman na nagbibiro lang siya, kita sa ngiti na nasa mga mata niya.

Lalo naman siyang natawa sa sinabi ko. She put her chin on my shoulder at niyakap ako. Lagi akong pinapakilig nitong babaeng 'to. Ang sweet niya kahit madalas pa din kaming magbangayan kapag kinukulit ko siya lalo sa harap ng mga teammates namin. Wala namang nakakaalam na nililigawan ko siya, anim na buwan na, maliban kay ate Ella at ate Den na madalas kong kausap. Wala din kasing nagtatanong, di kasi halata dahil aso't pusa pa din kami minsan.

"Galit ka na niyan, baby?" Yan, isa pa yan, kung ako kung ano ano ang endearment sa kanya, siya naman baby lang ang tawag sa'kin. Stick to one daw kasi siya, bumanat pa.

"Ba't naman ako magagalit? Hindi ako galit, miss, tatawagan ko lang yung mga kilala kong assassins para maipatumba ko na yang mga may ganyang itsura. Sabi ko naman, Jia, ako lang sapat na para sa'yo." biro ko.

"Heh, paka daming alam. Wala kang ipapatumba dahil nagbibiro lang ako."

"Totoo?" parang batang sabi ko sabay harap sa kanya, putting my arms around her neck.

"Yep, kaya wag ka nang magalit dyan, di bagay sa'yo. You're the only one for me."

"Fine. I love you."

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon