Chapter 7

5.4K 179 10
                                    




AN: drifter_01 Asan na ibang bala mo beb? Haha.

Enjoy guys!

===================================

Jirah

"Anong meron?" nagulat naman yung mga teammates ko na naka silip sa may pintuan ng roof top.

Nadatnan ko sila na naka kumpol sa may pinto, maliban kina ate Den at ate Ly na malamang busy sa pagtatago ng feelings sa isa't isa. Lalo na si ate Ly, akala naman nila hindi ko halata. Si Marge din pala hindi nila kasama.

"Bakit ka ba nanggugulat, Jirah? Pwede naman kasing dahan dahan," reklamo ni ate Ella.

"Hindi ako nanggugulat, busy lang talaga kayo sa pag tsismis dyan, ano bang tinitingnan niyo?" usyoso ko pa.

"Si Jia yung tinitingnan nila, besh, umuwi kasi ng umiiyak tapos dumiretso dyan kaya nandyan yung mga yan, nagtuturuan sino unang lalapit." Paliwanag ni Marge na malamang galing sa kwarto.

Nag alala naman ako at nakisilip na din, nakita ko si Jia na umiiyak nga. Parang nanghina naman yung tuhod ko at sumikip yung dibdib. Ayoko siyang makitang umiiyak. Hindi bagay sa magandang mukha nya ang umiyak. Mas gusto ko pa syang nagsusungit kesa ganyan.

"Sige na, lapitan mo na, ate Ells," tulak ni Bea.

"Bakit naman ako, aber? Baka sapakin ako ni Jia, kahit mabait yan, nananapak yan," takot na sagot naman ni ate Ella.

"Eh, ikaw yung senior, saka wala kasi sina Ate Ly at Ate Den dito." sabi ni Kim.

"Ayan si Kiwi, senior din," itinuro ni ate Ella si ate Amy na naka sandal na ngayon sa pader.

"Wag na kayong magturuan, ako  nang kakausap. Alis na." Pagtataboy ko sa kanila, mas gusto ko na ako yung dadamay kay Jia ngayong umiiyak siya.

"Are you sure, besh?" tanong naman ni Marge.

Tumango naman ako sa kanya.

"Yes, besh, ako nang bahala," pilit na ngiti ang isinagot ko. Tinitigan muna niya ako bago tumango at hinila yung mga teammate namin palayo.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa roof top, nilapitan ko si Jia na tumigil na sa pag iyak at malungkot na naka tingin sa tanawin.

Inalis ko ang suot kong jacket at ipinatong sa likod niya. Medyo gulat naman na napatingin siya sa'kin bago ibinalik ang tingin sa tanawin. Ilang sandali din na walang nagsalita sa amin.

"Miguel and I broke up," mapait na sabi niya.

Kahit may part na masaya ako at nag break sila and by some miracle ay may chance na na magustuhan ako ni Jia, malaking part ko pa din ang mas nalulungkot na hiwalay na sila ni Miguel, I mean kaya ko namang magustuhan si Jia sa tahimik na paraan, basta masaya siya.

"Oh?" napa face palm ako sa sagot ko pero anong magagawa ko? Ano bang dapat sabihin ko sa taong naging dahilan ng kung bakit masaya ako magmula nang bumalik ako?

"Yeah, seen that one coming, sinubukan naman namin, pero iba na talaga yung priorities naming dalawa, at palagay ko hindi na namin mahal ang isa't isa, we just love the  idea of being in love," tumawa pa siya ng walang sigla pagkatapos ay isinuot ng maayos ang jacket ko at niyakap ang sarili niya.

"I'm sorry," puno ng sincerity na sabi ko. "gusto mo bang kausapin ko si Miguel para sa'yo?" Kahit masakit,  gusto kong ibalik na lang ang ngiti sa labi nya.

"No, Jirah, that Chapter of my life is close. Wala na akong magagawa kundi mag move on, kaya ko 'to wag kang mag – alala." sabi nya na sa malayo pa rin nakatingin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon