9

45 3 0
                                    

"Jeon Hanmi."

Napatingin naman ako sa kaklase ko na si Yuri.

Tinignan niya kami ng masama ni jihoon. Oo magkasama ulit kami ngayong lunch. Napapadalas na nga yung pagsasama namin kahit na ang cold parin ng trato ko sakanya.

Ngumiti si jihoon, "Hi yuri! Nice to meet you!"

"Shattap ka nga jihoon! Di ikaw pinunta ko!"

Huminga ako ng malalim, "Bakit yuri?"

"Wag kang basta basta sumama kahit kanino. Mas lalo na sa mga lalakeng section c!"

Nakita kong yumuko si jihoon at umiwas ng tingin kay yuri.

"Y-Yuri... Umm... Sige alis nalang muna ako haha."

Pero bago pa makagalaw si jihoon sa pwesto niya, nagsalita ako bigla.

"Hindi siya masamang tao, Yuri!"

Nagsmirk si yuri, "Talaga lang? Sige bahala ka."

Nang maka-alis na siya, napapikit ako at naikiom ang kamao ko.

Tinignan nalang ako ni jihoon ng may halong pagaalala.

"Hanmi..."

"Tara na jihoon, may klase na."

Pagkadating ko sa classroom nakaupo na ang lahat at ako nalang ang kulang.

Umupo na din ako sa pwesto ko, dun sa bintana, sa tabi ng aircon.

"Uy first time ma-huli ni avenger. Nako bad influence talaga yung jihoon na yun."

"Oo nga section c kasi eh."

"Tumahimik nga kayo, may tenga siya naririnig niya mga pinagsasasabi ninyo."

Tinignan ko nalang yung scenery sa labas ng bintana at yung mga estudyante na masayang naglalaro ng sports sa p.e nila.

"Okay class! Today, we're going to have a physical examination evaluation. Go change into your gym clothes and head to the gymnasium."

Napa-"whaaaaat?!" kaming lahat. Shempre biglaan! Taena pano pala kung meron akong red tide edi delikado?

"Sht! Kaarawan ko ngayon! Baka tagusan ako!" Sabi ng isa kong kaklase.

Heh. Sige isigaw mo pa gaga ka.

"Hayaan mo naka whisper ka naman diba? No no no no no check!" Narinig ko naman si yuri na nagjoke.

Tumawa ako ng mahina at nahuli ko siyang napatingin sakin kaya nag fake cough ako.

Tangina huli ako balbon.

"Ge tara na sa lockers natin!" Sigaw nila at nagsilabasan na sila.

Nang makarating kami sa lockers, agad agad kaming nagpuntahan sa cubicles at nagbihis. Buti nalang at mabilis ako kumilos kaya ilang minuto lang tapos na ako.

Lumabas na ako at pumunta sa benches. Narinig ko naman na bumukas ulit yung pintuan ng gymnasium at bumungad sakin ang mga students ng...

SECTION C?!?!

avengers ; pd101s2Where stories live. Discover now