CHAPTER 11: FREYA

964 53 52
                                    

I dedicated this chapter to Han_nahPrexious. Thanks for reading it, even if it has short chapters. And thank you dahil ako yung inspirasyon mo sa story mo. I wish your book successful😉.

Nico's POV

*****KRINNNGGGGGGG*****

Inabot abot ko naman yung alarm clock para patigilin. Hayst ang ingay gusto ko pa sana matulog. Mga ilang minuto naalala ko na may pasok pala kami.

Bumangon na ko at dumeretso sa banyo. Naligo agad ako, after nagsipilyo na ko habang nagsipilyo napatingin ako sa lips ko. Bakit ko ba siya aktong hahalikan nun?!? Baliw na ata ako ang panget kaya nun. Nagbihis na agad ako at bumaba.

Keira's POV

"Hayst"

Napahikab hikab ako. Inaantok pa kasi ako, kaso kailangan ko ng magluto eh. Para akong baliw dito biglang pipikit yung mata ko.

Mga ilang minuto di ko nalang namalayan na nakaidlip pala ako.

"Huy!" sigaw ng kung sino.

"Shit! Kabayong palaka" sigaw ko. Narinig ko namang may tumawa, boses palang alam ko na kung sino. Grrrrrr. Kainis.

"Huy! Wala ka bang balak. Tignan mo yang niluluto mo malapit ng masunog"

Napatakbo agad ako sa niluluto ko at mabilis itong kinuha bago pa masunog. Narinig ko namang nagpipigil ng tawa tong isa dito. Bwisit!!!!! Grrrrrr!!!

"Oh ayan na!"

Sabi ko ng inihanda ko na yung breakfast. Kainis kasi. Bacon and Egg lang yung niluto ko para madali lang.

Tahimik lang kaming kumain. Na prepressure tuloy ako at naalala yung nangyari kahapon. Grrr! ERASE! ERASE! ERASE! Its nothing! Wag kang magpapaniwala.

**Aheeem**

He break the silence. Tinignan ko naman agad siya.

"Mauna na kong papasok, wag ka ng sumabay"

Sabi niya then umalis. Well, that's good. Namimiss ko na din kasi si Bestie ToT. Yung bruhang yun di man lang nagparamdam. Lagot yun mamaya.

Niligpit ko na agad yung kinain namin at bumalik na ko sa kwarto para magbihis na.

***At School***

Naglalakad na ko papuntang room. May naririnig naman akong bulungan sa paligid. Ano kayang nangyare?

"Besh! May narinig akong chismis" - sabi nung bakla.

"About kanino? Kay Fafa Nico?" - sabik na sabi nung malanding hipon na yun. Grrrr. Wait bakit ba ko nagagalit? Tss, sakanya na yung bakulaw na yun.

"About kay Freya, yung girlfriend daw ni Fafa Nico" tsk sabi na. Binilisan ko na yung lakad ko. Girlfriend!?!!? Really?!? Baliw sila sinong gusto maging girlfriend ang isang color book!?!? Wait! What! Bakit ba ko na ooffend.

Kasi mahal mo siya- heart

Kasi kaaway mo siya at isa siyang bakulaw- brain

I agree brain! Wait! Grrrr baliw na talaga ako pati sa utak at puso ko nakikipagbangayan na din ako.

Binilisan ko agad ang pagpunta sa classroom at umupo agad sa upuan ko. Nakita naman ako ni bestie at nagpigil ng tawa. What's her problem!?!

"Anyare sayo bestie, bagong balik ka palang nakabusangot na agad. Di bagay sayo" ngayon di na siya nagpipigil ng tawa. *face palm* kabwisit!

Mga ilang minuto dumating nadin yung prof namin, hayst thank you. Magsisimula na sana siya, but naramdaman ko ding may sinisilip siya sa labas.

"Before we start this class, I want everyone of you to meet your new trasferred classmate" tumingin siya ulit sa pinto at may sinenyasang pumasok.

Napamura nalang ako ng makita ko kung sino yun! Dafuck! Si Freya!?!!? Si Drawing book.

(Hahahah di ko na yan kasalanan mukhang drawing yung mukha niya-brain )

Nakita niya naman ako at kinindatan ako.Bullshit baka mawala yang mata niya. Gigil niya si acou.

"Should I intruduce or not?" panimula niya at tumawa ng mahina yung pabebe. Tss.

"I know that all of you here already know me" sabi niya at biglang tumingin sakin. Grrrrr, Kairita.

"Ang masasabi ko lang, Don't mess with a Queen" shit! Nakakairita na talaga siya. And bakit ba siya lumipat dito sa section namin! Ka badtrip naman oh!.

Tumingin agad ako sa likod. Dafuck! Isang chair lang yung vacant! Namalayan din ni Freya na nakatingin ako dun. Ngumisi naman siya, shit! May plano talaga siya.

"Okey Freya Aqu---" di na natapos ni Sir yung sasabihin niya kasi dumeretso nadun sa upuan sa tabi ni Nico. MALANDI TALAGA!

Nag start ng mag klase si Sir pero wala talaga akong MAINTINDIHAN! Putcha naman kasi! Nilalandi niya nanaman si Nico grrrr. Kahit halos ang lakas na di parin pinapagalitan, UNFAIR!

"Nico" malambing niyang sabi but deadma lang siya.

"Pansinin mo naman ako, Baby" malambot na sabi niya. SHIT! nakakairita di talaga ako maka focus.

Tinignan ko naman si bestie at same, naiirita din siya. Halos kaklase nga ata namin eh. Bwisit na Freya. Tinignan ko yung wrist watch ko. Thanks goddd 10 minutes nalang bell na.

"Dahil malapit na mag bell, ibibigay ko nalang to as a project"

"Ano kaya yun" bulungan ng iba.

"By partner nalang para madali ga---" naputol nanaman ang sasabihin ni Sir kasi sumabat nanaman si drawing book.

"Sir? Si Baby Nico nalang partner ko please" nagmamakaawa at nanguuto niyang sabi. Kahit kailan talaga.

May partner na lahat Si bespren at si Chrize, si Nico at si Coloring book😏, at si Xander at ako😊. Okey lang naman si xander.

****KRINGGGGGGGG****

@CANTEEN

Nico's POV

Kainis na to kanina pa buntot ng buntot si Freya sakin nakakairita na. Halos saan ako pumunta susunod siya.

Nakakabit pa nga ang kamay sa braso ko eh. Tong babaeng to kong di ko lang talaga kaibigan. Bumili na agad kami at umupo na.

Napatingin naman ako kay Keira. Nakatingin kasi siya sa amin, ng namalayan siyang nakatingin ako umiling at umiwas siya agad. Anung problema nun.

Sa lahat lahat ng pwedeng makapartner bakit si Freya pa? Minamalas ata ako ah. Namalayan ko nalang ng nakita ko na si Freya na andun sa table nila Keira.

Keira's POV

"Diba partner mo si Xander?" sabi niya sakin. "And partner mo naman si Chrize" sabi niya. Tumango lang ako at si bestie seryoso nakatingin sa kanya.

"Good! Dun tayo gagawa sa mansion nila Baby KO" diin na pagkasabi niya ng iinis talaga eh. Nakita ko namang nagpipigil na si Bestie. Pinigilan ko nalang siya at nagmadali na kaming kumain para maka alis

**************************

Dont Forget To VOTE, just press the small star. And for your reactions and suggestions just COMMENT😉

SORRY NGA PALA SA LATE UD INUNA KO KASI YUNG SECOND BOOK KO. PLEASE TAKE TIME TO READ IT ALSO "PRINCESS MEETS THE POPULAR GUY"

AND PARA SA MGA NAGSABING BITIN SORRY TALAGA KASI KUNG HABAAN KO BAKA DI AABOT NG 40 CHAPTER UP ANG MAGAGAWA KO😂

AND STARTING SCHOOL DAYS DI NA AKO MASYADO MAKAKA UD NG MABILIS BUT MAG UUD PARIN AKO NOH ABANGAN NIYO LANG

ALSO PLEASE FOLLOW ME ON WATTY PARA MALAMAN NG IBA DIYAN KUNG KAILAN AKO MAG UUD. JUST CHECK THE MESSAGES. THAT'S ALL BTW THANKS EVERYONE FOR READING😊


I'M A MILLIONAIRE'S MAID (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon