CHAPTER 7: THANK YOU TALAGA

858 107 9
                                    

Nico's POV

  Nabigla nalang ako ng umuna na ng lakad si panget na nerd. Tinignan ko si Xander at si Chrize. Binigyan ko sila ng Anyare-sa-kanya-look. Umiling lang si Chrize, si Xander ayun tinuro ang mga bulungan sa likod. Pumunta ako sa gitna kung saan kita nila akong lahat.

  "Girls?" tawag ko sa nagbubulungan kanina. Lumapit sila agad at halatang kinikilig. "Bakit po?" sabay na sabi ng tatlo at ang nakakarindi nagpapacute sila and i hate it nakakarindi sila tignan.

  "Ano nga yung pinagsasabi niyo kanina?" nahalata ko namang yung dalawa halatang natakot at tong isa? Confident pa nais niya bigla siyang sumagot.

  "Ahmm pinag uusapan lang namin kung gaano kalande yung PANGET NA NERD na yun, may padikit dikit pa siya sayo. Nakakarindi right? Alam kong ayaw mo din sakanya. Pwede namang ako eh" pagtataray, diin na pagkasabi, at nagpapacute na sabi niya. Shocks pwede ko ba tong itapon tong babaeng to karindi. Yan ang pinaka ayaw ko sa mga babae yung MALALANDE at PABEBE.

  "Excuse me!? Hindi siya just no one para sakin, and your not my taste" cold na pagkasabi ko. "Starting from now on! Wag niyo ng ibubully si Keira" sabi ko then umalis.

   Naramdaman ko lang na sumunod na ulit sila Xander at Chrize sakin. Naramdaman kong nasa tabi ko na si Xander. Akala ko sasabay lang siya but hindi pala may tatanongin siya. Pano ko nalaman? Halata kaya nag dadalawang isip pa siya kung sasabihin niya o wag nalang. Dahil ang tagal niya magsalita inunahan ko nalang. Huminto ako at "Bakit ba?" walang gana kong sabi.

   "Ano kasi!? *kamot batok* May gusto ka ba kay Keira, sa nakita ko kasi kanina overprotective ka sa kanya masyado" sabi ni xander na nahihiya but I stay blank. Di ko siya sinagot at lumakad nalang dahil malapit na ding mag bell.
   

Xander's POV

   Papunta na kaming canteen. Di pa din ako kinikibo ni Nico nung tinanong ko siya kanina. Para kasing may gusto talaga siya kay Keira. The way he act kanina may halong galit talaga di yung nagprepretend lang na concern. I have to make sure first, ayaw kong masaktan uli kaya maninigurado muna ako. "Mauna na kayo! Susunod nalang ako pupunta pa kong CR

Keira's POV

   Na sa canteen na kami ni bestie, nagpipila na para bumili. Nakakabwisit talaga yung kanina pasalamat sila. Sinabihan ba naman ako ng malande, papansin, pang-- TEKA! Tatanggapin ko nalang yang panget atleast DYOSANGPANGET ako.
(A/N: Wag nalang tayo umangal baka magalit si keira XD)
Pero sabihan ako ng malandi!?!?!?! Aba di ko na yan papalagpasin pasalamat lang sila, famous sila! Curious kayo sino yun? Nag iisang FREYA lang naman. HMMMM ENGRI KO SIYA! Nagdradrama ako ng biglang umepal ang bestie kong bruha.

   

     "Huy! Anyare sayo kung nakikita mo lang mukha mo kanina nakakatawa talaga, galit na galit yung mukha mo!" natatawang sabi ni bruha. Kung di ko talaga to bespren malilintik talaga to. "Panget ka na nga tapos gumaganon ka pa mukha kang witch na nananakot" natatawa niya pa ding sabi habang hawak hawak ang tiyan niya. "Loka ka! Ang harsh mo sakin" sabi ko then sinapak siya ng biglang------

***BOOOGSSSSHHH***

   LAGOT!!! Waaaaahhh huhuhuhuhuh lagot kami neto tulongggggggg, sigaw ko sa isip ko. "Bestie, lagot tayo neto tignan mo oh natapon yu- y- yung pagkain n-niya" natatakot, at nauutal kong bulong kay bestie. "S-so-sorry p-p-pooo" sabay at nauutal naming sabi ni bestie. Tumingin agad yung lalaki sa amin---TEKA! Waaaaaaah sa pagkakaalam ko miyembro to ng mga gangs dito huhuhuhuh lagot kami neto. "Sorry? Really huh?" pa fake na tawa niyang sabi. Lagot na! Huhuhuhuhuh lumalapit na siya sa amin habang kami ni bestie humahakbang din paatras sa bawat hakbang niya palapit samin. Ng maramdaman na namin ni bestie yung pader napatingin nalang kami sa isa't isa. Binigyan ko si bestie ng Mamimiss-kita-bestie-look di niya ata gets. Nabigla na lang ako ng tumakbo siya. Watda bat siya tumakbo!?!??! Ako lagot neto pagtingin ko sa harapan ilang inches nalang ang pagitan ng mukha namin nung lalaking impaktong hudas na ganster na panget. Huhuuhuhuuuhu siguro dito na ko matatapos. Pumikit nalang ako at may bigla akong narinig

*BOOOGGGSSSH*BOOOGGGSSSH*

   Sinilip ko sino yun si Nico. Ang laki na ng atraso ko sakanya. Pasalamat ako kung di siya dumating baka dedo na ko ngayon *sigh*. Dalawang suntok lang ni Nico natumba at umalis na yung hudas na lalaki. "S-sa-salamat talaga Nico" nahihiya kong sabi. "It's okey" then umalis na siya. Pinuntahan ko naman si bestie at ayun pagkakita sakin biglang nag peace sign.

   "BALIW KA BESTIE! BAT KA TUMAKBO" sigaw ko sakanya. "Luh!?? Ikaw kayang nag sign sa akin na tumakbo, sabi mo Takbo-tayo-bestie-look" sabi ni bestie na nilalaban yung sarili niya. "Loka ka! Sabi ko Mamimiss-kita bestie look yun!" pagkarinig niya sa sinabi ko bigla siyang nag peace sign. "Sorry na, akala ko tumakbo yun eh" then nag peace sign ulit. Tara na nga lang pupunta nalang tayo sa room.

***SEVERAL HOURS PASSED***

*****krrriiinnnnngggg*****

     Yes tapos na din ang klase makakauwi na ko---- TEKA!. Dafuck huhuhuhu tama nga pala maid ako ni Nico so dun ako uuwi. Bakit ba ang malas ko? Huhhhuhuhuhuh kawawa naman si ako, iyak nalang. Magpapaalam na ko ka bestie di ako makakasabay sa kanya pag uwi *sigh*

*************************

   Wag niyo kalimutan si little star kawawa na siya di pinapanin, pindotin niyo daw si little star for VOTE😊 and suggestions, reactions, or next, just COMMENT😉

(Sorry kung di ko na post kahapon! Langya kasi yung wifi nagloloko di gumagana pafi messenger and fb ko ayaw magloading. I hope you understand)

(60 reads and 10 votes yan yung requirement ko for Chapter 8😉 So invite your friends😄)

(P.S. ginagawa ko yang read and votes requirement para malaman ko na may nagbabasa talaga😄)

  
 

I'M A MILLIONAIRE'S MAID (ON-GOING)Where stories live. Discover now