32nd Incident: Droplets 滴

Start from the beginning
                                    

Hindi pa naming alam kung anong gagawin namin. Ang alam lang naming ay kailangan naming magsama sama. Lalo na at alam na namin kung sino ang impostor. Sumama naman si papa dahil may kailangan siyang malaman para ma protektahan niya si mama.

Pagdating naming sa apartment ko ay agad kaming dumiretso sa common room. Nagulat na lang kami na nandoon na rin si Oya-san. Nakaupo siya at may dala dalang basahan. He is smiling while looking at us.

"Welcome back." Bati ni Oya-san sa amin. "I can feel that the impostor has been revealed. Is she the timid woman in glasses?"

Ang eksaktong description ni Kitade-san.

"How did you know, Oya-san?!" tanong ko. Tinanog ako ni papa kung sino ang kausap ko. Binulungan ko naman na iya ang may-ari ng apartment namin na kasama rin sa curse.

"I felt it. Your mom felt it too." Sagot ni Oya-san sa akin.

"Mrs. Kobayashi?" Ayame questioned.

"Yeah." Sagot ni Oya-san na agad sinundan ng pagsamid ng lalamunan niya.

"Why didn't you two told us about it?!" sambit ko.

'Because you need to figure it out on your own. Because there are layer of truth that you need to uncover alone. Especially the lies that your mom made in order to protect you. Also, beware of that young man who killed the timid girl. He is the last of the cursed ones. "

"What do you mean?" sagot ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at ibinaling ni Oya-san ang attention niya kay Rio. Si Rio naman ay tila tulala at sinusuportahan naman siya ni Risa na nakahawak sa braso niya.

"I'm sorry my grandson. I can no longer protect you on your journey." Sambit ni Oya-san.

At nagulat na lang ako nang biglang humagulgol si Rio.

"No! No! No!" paulit ulit na sinasabi ni Rio habang nanginginig ang boses niya at basing basa na ng mga luha niya ang mga mata niya. Kasabay nito ang napuna kong nanginginig niyang mga kamay.

Hagulgol na parang bata. Ngayon ko lang siyang ganun.

Bakit?

Hanggang sa tumakbo si Rio papunta sa lolo niya na nakaupo sa sala. Sinubukan niyang yakapin ito pero naglaho na ito na parang usok.

"Goodbye my grandson. Please live and survive this curse." Boses ni Oya-san na lang ang narinig namin.

Anong ibig sabihin nito? Sana nagkakamali lang ako ng akala.

Doon na nagsimulang umiyak nang umiyak nang sobra si Rio. Hindi ko alam kung paano siya bibigyan ng comfort dahil first time kong makita si Rio na umiyak at humagulgol. Hinawakan ni Risa ang likod niya pero parang hindi ito nakakatulong sa tindi nang nararamdamang lungkot ni Rio. Awang-awa ako sa kanya.

Agad namang tumakbo si Rio sa front desk area ng apartment at pinasok na ang pinto papasok sa kwarto ni Oya-san. At doon nakita namin nakita si Oya-san. Nakahiga sa sahig na may hawak pang basahan at nakahawak sa dibdib niya. Namumuti na ang lips niya at wala na siyang buhay. Doon ko na nga nakumpirma ang mga hinala ko na totoo.

Patay na nga si Oya-san.

Gulat na gulat na kami kahit na ineexpect na naming makikita ang bangkay ni Oya-san dahil sa nangyari.

Matapos ang ilang oras ay magang maga na ang mga mata ni Rio at pagod na pagod. Iniiyak niya na lahat. Nag sorry siya sa bangkay ng lolo niya. Namatay ng lolo niya na hindi lang man sila naging maayos. Ganun pala sa tunay na buhay, minsan wala na tayong chance to make up to our relatives and loved ones. Bigla na lang silang mawawala. Ramdam ko ang lungkot ni Rio sa pagkamatay ng lolo niya. Hindi ko na alam kung paano pa siya magiging okay sa ngayon. Kaya sinamahan ko na lang siya nang hindi nagsasalita.

23:57Where stories live. Discover now