10th Incident: White Curtain白幕

30.4K 1.2K 416
                                    

Note: I have an album blog entry regarding 23:57. All photos of Shibuya station locations where I got all the inspiration from were also added in an entry in Facebook. Check it out in my Raykosen FB page. May mga sinagot rin akong tanong mula sa mga readers. Read it after this story. Chapter 10 na tayo guys! I can't believe this! Haha! Hope you guys will keep on reading! I will always keep on doing my best to write a relevant scare and something to think! *wink wink*

And now, let's proceed to chapter 10...


Si Dr. Carl Higashi ang tumingin sa sugat ng nanay ko sa daliri. Dahil wala ng doctor na in-charge doon, siya ang unang tinawagan. Dahil bukod siya ang doctor ko, ay malapit lang ang tinitirahan niya sa ShibuyaHospital. Mabilis ng pag respond ng staff sa hospital sa aksidente. Well, alam ko na hindi siya aksidente.


Kinakabahan ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Ano bang ginawa ng nanay ko at bakit kailangang madamay siya sa lahat ng ito? Gulong-gulo ako sa nangyayari.


Hindi ko na nga alam kung paano ko malalampasan ang lahat ng ito,kailangan pang may madamay.


Tinitignan ko ang nanay ko habang ginagamot siya ni nurse Riiko. Nagaalala talaga ako para sa kanya. Dahil bukod sa nangyari sa nanay ko, wala siyang alam sa mga nangyayari.

Hindi nga niya alam na katabi na niya pa rin ang batang naka-surgical mask na ito.

Siguro okay na rin na wala siyang alam sa lahat ng nangyayari.

Napansin ng nanay ko na tinititigan ko siya. At agad akong bumalik sa sarili ko mula sa malalim na pag-iisip. Nagpaalam at umalis si nurse Riiko para ibalik lahat ng gamit niya sa panggagamot at para magsulat ng report tungkol sa mga pasyente niya.

"Ma! You need to go home!" pasigaw kong sabi sa nanay ko. At sinuway na naman niya ako dahil lumakas ang boses ko.

"Don't worry. Daliri lang ito. Malayo ito sa bituka." Ngiting sabi ng nanay ko. Ito na naman ang nanay ko na sinusubukan pagaanin ang mood ng sitwasyon.

"Yuya, ano bang nangyayari sayo anak?" isang seryosong tanong ng nanay ko.

"Okay. I am okay." I just really don't want to elaborate things.

"Don't worry. Don't worry."

"Just go home today at hindi na ako magaalala." Sabi ko sa nanay ko.

Medyo kinainis ito ng nanay ko dahil pinapauwi ko siya agad pero naintindihan niya rin na nagalala ako para sa sugat niya.

Pero, hindi lang iyon ang dahilan...

Naisip ko na tuwing kasama ko ang mga taong nadadamay sa sumpang ito, may nangyayaring masama sa kanila.

Si Daisy. Nasagasaan siya nang makasama ko siya.

Si Tetsu-san, Nasagasaan siya nang magkita kami sa Shibuya.

I don't know what will happen next kapag tumagal pa sa tabi ko ang nanay ko.

I don't want to imagine!

May iniwan na dalawan paperbag ang nanay ko sa loob ng drawer ng side table na malapit sa higaan ko. Yung isa puros prutas ang laman at ang isa ay damit. Saka niya ako hinalikan sa noo at umalis.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon