18th Incident: Aura 霊気

22.5K 1K 220
                                    


Note: Finished this one during my break in manga creation and as part of my therapeutic activity. Been juggling to three projects at once. Odd as it may seems but writing makes me feel relaxed and relieves my stress levels. You have interesting comments last chapter. I noted some of them. While it is true that I toned down the creepy parts last chapter, my aim was to let you ponder and think because I have been unveiling some clues already. I think my story isn't about gritty horror but about fear of unknown things. It's about relevant scare. I think it will be irrelevant if I add random scary scenes last chapter. Haha! As for some suggestion about the POV, I will keep the first person point of view until the very end. Because I want the continuous flow style. I have my reason for it because it is part of the whole plot. You'll see what I mean when we reach the finale. Though, I really appreciate your suggestions. As for the question on when will this series end. According to my draft, this series only has three arcs. We're in the second arc! So, enjoy every chapter and let's not rush things up. Haha!

And now, let's proceed to Chapter 18...

Babae ang nakita kong naglalakad na naka surgical masks na lumabas sa elevator at papalapit sa mag lolo na sina Oya-san at si Rio. Hindi ko maipaliwanag pero nanlamig ako. Siguro dahil na rin sa malamig sa labas. Duguan ang mga paa nito at naka puting damit. Ang buhok nito ay mahaba at ang balat nito ay nababalutan na rin ng sarili nitong dugo.

Nakatitig ang babaeng ito ng matalim sa mag lolo. Alam ko na kaya na ni Rio ang naka surgical mask na ito pero hindi ko pa rin mapigilang matakot.

Sinabuyan ni Rio ang multo ng asin at nawala ito. Sumenyas na si Rio na pwede na akong makaalis habang ang lolo naman niya ay nagtataka. Lumabas na ako ng apartment building para sunduin si Ayako sa station. Maraming mga tao sa labas at may mga pulis pa rin na nagbabantay sa vicinity ng apartment building.

Napahinto ako saglit dahil nakaramdam na ako ng pagod. Ngayong araw ay marami na ang nangyari. I met this pink haired dude, Oliver died and then Rio-kun is Oya-san's grandson. I'm not sure on how will I process all of these in my head. One thing that makes these all worth it is that I am somehow close to get all the information I need.

Tak. Clack Shik.

Ito na naman ang pamilyar na tunog. At nasa likuran ko nanggagaling ang mga tunog na 'yon na ayaw ko nang marinig. Kahit hinihingal ako, sinubukan ko pa ring maglakad papalayo. Pero mas lalong lumalapit ang tunog na iyon na parang bumubulong sa tenga ko.

Kinapa ko ang jacket ko. Hinahanap ko ang asin na dinala ko mula sa bahay ni Rio-kun. Pero wala. Patuloy pa rin akong nagmamadali at mas binilisan ko pa ang paglalakad para sunduin si Ayako.

Bakit naman ngayon pa ako sinusundan ng mga ito? Argh! So frustrating.

And what's more frustrating is that I can't find that friggin' salt!

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Napalingon ako at nakita ko ang mabilis na paglalakad ng mga naka surgical masks papalapit sa akin. Mapupula ang mga nakangiting mga mata nito at mas mabilis na sila ngayon. Actually, ilang hakbang na lang at malapit na sila sa akin.

Shit! Hindi dapat ako tumingin!

Kinapa ko ulit ang jacket ko pero hindi ko makapa yung asin. Natunaw na kaya iyon? That's not possible. Winter ngayon. Argh!

Naramdaman ko na lang na may humawa sa batok kong malamig na kamay.

Nanlamig na naman ako pero hindi lang dahil sa winter ngayon. Naramdaman ko na lang na may parang sumaboy sa likuran ko. Asin nga.

Si Rio. Humabol pala. At iniwan niya ang lolo niya? Eh?

"I need to follow you. I told you, I need to find out the meaning of that Death card." Patuloy na sinabi ni Rio habang tumatakbo kami. Hindi na ako nakasagot. Ayoko nang magaksaya ng energy para makipagtalo sa batang 'to.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon