19th Incident: Visit 来遊

23.9K 1.1K 352
                                    

Note: Rio and Yuya has become a pairing to some readers. That's friggin' funny! You guys have wild imagination! Ha ha ha! I respect the rainbow flag and your imagination. It's beyond my writing domain now. (hands up) By the way, I have this long term issues with auto-correct in my MS-WORD. It keeps on auto-correcting the Tagalog word, "naming" to and English word "naming". Nakakaasar na nakaka frustrate. Anyway, big thanks to all the people who kept of voting and commenting. For this chapter, I will try my best to reply and interact with the readers more. Enjoy!

And now, let's proceed to Chapter 19...

Room 505. 

Hinihingal pa rin ako. Nanlalamig. Nanginginig.

Kasama ko sa loob ng apartment na ito si Ayako at si Rio. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano naming nai-survive ang nakakatakot na maglapit ng multo ni Oliver sa amin.

Kanina lang ay malapitang nakikita namin ang mukha niyang nakangiti at basag na. Pero nasa harap na pala naming si Rio at nagsaboy ng asin. Nawala si Oliver. Pansamantala.

Hinihintay kami ni Oya-san at ng nanay ko na magksasama at naguusap sa common room tungkol sa incident na nangyari sa loob ng apartment ko. Narinig nila ang hiyaw ni Ayako at nang magtanong sila ay hindi na ako sumagot. Si Rio na ang nagpalusot para sa amin. Hanggang sa binigyan na kami ng susi ni Oya-san para sa room 505 ng apartment building.

Pumasok kami ni Ayako at ng mom ko sa apartment at hindi pa nga nagagamit ito. Kasunod namin si Rio at si Oya-san na sinamahan kami para sa bagong kwarto. Napansin ko na may tinatapal na si Rio sa pintuan ko. Isang ofuda. Kung dati ay hindi ako naniniwala sa mga rectangular papers na may Japanese characters na ito, ngayon ay nagiging pag-asa ko na ito. Dahil iilan lang naman ito sa mga pwedeng maka protekta sa amin sa mga vengeful ghosts ng 23:57. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit sila tinawag na vengeful ghosts ni Rio kung nag-suicide sila.

Nauna na si Oya-san sa amin dahil kailangan pa raw niyang makapagbigay ng statements sa police about the incident. Mukha na siyang pagod. Matanda na rin kasi siya at bukod pa doon ay winter pa. Siyempre, kailangan niya pang asikasuhin ang financial reports ng damage dahil may namatay sa apartment na pinapaupahan niya. That's just exhausting.

Pagkalabas ni Oya-san, nakita ko na nakaabang sa labas ang batang nakabuntot sa nanay ko. I immediately closed the door. For a moment, I don't know if I was freaked out or losing all the sanity I have. Hingal lang ako ng hingal.

"Okay ka lang ba dito, anak?" tanong ng mom ko sa akin. Hindi ko siya sinagot pero nginitian ko siya. Hindi ko naman talaga kayang maging okay sa ngayon pero kahit papaano kailangan na may assurance ang nanay ko na okay na ako— kahit hindi naman talaga.

"Ano bang nangyari?" tanong ng mom ko habang magkakasama kami ni Rio sa living room. Si Ayako naman ay inaayos ang mga dala-dala nila ng mom ko sa isang sulok. Inilabas na rin ni Ayako ang binili nilang drinks t inihanda sa aming apat.

Hindi ko alam kung paano sisimulan pero sinubukan ko...

"While I was in Rio's house, I got a call from Investigator Yamamura and told me that there was a dead body inside my apartment. Of course, I immediately went home."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy...

"Then nalaman ko na si Oliver ang namatay. I don't know how he was able to enter my room. Ang alam ko lang magulo ang kwarto ko and he's dead there. Nothing was stolen. Someone was looking something inside my room."

"What could that possibly be?" mom asked.

"A filecase, I think. My filecase." That's the only answer that popped in my head. It's a random realization but that's the only thing I can think of. "It has everything I need to know about something."

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon