2nd Incident: Train Station 駅

53.8K 2.1K 878
                                    

Note: May na-receive akong message na number 5 daw po ang 23:57 sa Paranormal genre. Wow!  Nawala lahat ng pagod ko from work! Maraming salamat ulit sa mga sumuporta! Kinilig ako. Haha! Nakakataba ng puso ang mga reactions niyo. Somehow, nakaramdam ako ng self worth.

Sa mga nagtatanong po kung nakatira ako sa Japan. Opo, nasa Shibuya Tokyo po ako kaya nakakapagsulat ako ng fictional scenarios gamit ang lugar na lagi kong nadadaanan. And now, let’s proceed with Chapter 2…



“This is a great article!”masayang sabi ni Tetsu-san in Japanese. Tuwang tuwa ang editor namin sa ipinasang article ni Ayako.  

 Si Mr. Kouhei Tetsu ay isa sa mga editors ng Peculiar magazine. Siya ang editor namin. Usually, online ang submission namin sa kanya. Kapag approve ang article at photos, the next week, idedeposit na sa bank account naming ang payment. Reliable editor siya. Looking at him now, he is in his forties. Medyo puti na ang buhok sa patilya at medyo malaki siya sa usual Japanese na nakilala ko. Sa desk niya, tambak ang mga paperworks pero organized. Sa tabi ng paperworks ay may maliit na notebook na nakasulat ang “Things to do today” in Japanese. I think kaya siya reliable kasi organized siya at dedicated siya sa trabaho niya.

“The Urban Legend of 23:57! This is going to sell! Once the article is out in the next week, Peculiar will receive great feedback! I’m sure of it!”Hawak-hawak niya ang printed copy sa kanang kamay niya at kinukumpas niya naman ang kabilang kamay niya.

 Naiintindihan ko na somehow kung bakit sobrang tuwang-tuwa si Tetsu-san sa article. Wala pa kasing printed article na lumalabas tungkol sa 23:57 urban legend. Usually, sa internet lang ito lumalabas.

 First time kong makita ang office ng Peculiar. Nakapunta na dati dito si Ayako dahil siya talaga ang nag apply at ni-recommend lang niya ako. Ang office ay may maraming desks pero dalawa lang ang staff na nasa loob. I think dahil break time. Si Tetsu san at ang junior assistant editor niyang si Shibata-san. Si Shibata-san ay mga aroung 25-28 years old. Payat na nakasalamin pero may stylish brown hair. Dedicated talaga sila sa palagay ko at nakakatuwa na intereted sila sa bago naming ipinasang article.

 “But how are the photos for this article? Do you have any ideas in mind?” Tanong ni Shibata-san na nakangiti at asang-asa sa isasagot ko.

 Ayun lang.

 Tinignan ko si Ayako ng patanong hoping that with my signal, she can help me out. Binalik niya ang tingin niya sa akin ng patanong din.

 Nice.

 Paano ko nga ba didiskartehan ang article na ito at mag provide ng photos ng 23:57 article? Maski ako, hindi sigurado sa concept ko.

“I think… Hmmmm… I think I-I’ll take a photo of the digital clock of 23:57?” Nauutal kong sabi ng impromptu na idea na pumasok sa utak ko. Hindi ako sigurado sa sinabi ko pero bahala na.

 “That’s perfect!”Sagot ni Tetsu-san na napa clap siya ng isang beses. As if what I told him was a great thing.

 “Eh?” takang-taka kong sagot.

 “Uh! Are you sure about this?”sabi ni Shibata-san na parang doubtful sa idea ko. Hindi ko siya masisisi. Maski ako rin naman e.

 “Do that, Yuya! That’s the whole point of this 23:57 urban legend thing! Take a pic of the 23:57 digital clock in Hanzomon line platform!”galak na galak na sabi ni Tetsu-san.

 Are you kidding me? Ito ang nakapinta sa mukha naming dalawa ni Shibata-san.

 At nag decide kami ni Ayako na mag stay until last train time sa Shibuya para makakuha ako ng actual photos ng digital clock sa Hanzomon platform at exactly 23:57.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon