CHAPTER 23

37.8K 571 22
                                    

Lance POV

Nag aya mag bar si Rex dahil sa birthday niya at may party sa kanyang bar na pinamumunuhan niya bukod sa iba pang business nito.

Mahilig kasi ito mag bar kaya naisipan niyang magpatayo ng sariling bar at sa hindi inaasahan ay naging patok ito sa masa pati na rin mga celebrity at mayayamang tao.

Mag aalas syete na nang gabi ng umalis ako sa MGC at nagtungo sa bar ni Rex, halos mag-iisang oras akong bumyahe dahil sa rush hour ngayon at traffic pero pagdating ko ng bar ay napakaraming tao sa labas ng bar ng loko, iba talaga itong bar niya dahil pagpasok ko pa lang sa loob ay mas dumami pa ang taong nagkakasiyahan. Pinapasok ako agad dahil kilala na rin nila ako rito at isa pa kaibigan ko ang may ari nito.

Hinahanap ko sila ng may tumawag sa akin at yon pala ay sina Steve, Cole lang pala, pumunta ako sa pwesto nila.

Steve: "Buti nakapunta ka bro!!!"

Lance: "Oo nga eh, late na nga ako. Busy sa kompanya ngayon"

Steve: "Oo nga eh balita ko nga na may new investment partner kayong bago at may project agad"

Cole: "Naks, naman new achievement hahaha"

Ngumiti lang ako at nagsimulang uminom na rin ng alak na nakalagay sa table namin.

Steve: "eh ikaw naman Cole, kamusta naman ang pamamahala mo ng organisasyon niyo ng mafia at balita ko rin palagi ka raw rito noong nakaraang araw. bakit??"

Cole: "Maayos naman ang organisasyon namin, syempre ako namamahala paanong hindi aayos at subukan lang nila magluko at si kamatayan mismo ang makakaharap nila"

Lance: "Eh ano naman ginagawa mo rito noong nakaraang araw ba't daw gabi gabi ka raw dito???"

Cole: "Wala lang, bakit bawal ba tumabay rito!!"

Steve: "Sino niluko mo. Ahh alam ko na, B.A.B.A.E noh!!"

Hindi sumagot si Cole pero hindi natinag si Steve sa kakakulit habang ako naman ay uminom ulit.

Medyo marami-rami na rin ang naiinom namin ng dumating si Rex na may tama na rin ng alak dahil siguro bawat pag-enganyo ng mga busita ay siyang kada inom rin ng alak.

Rex: "Bro....,Kanina pa kayo? Pasensya na ha marami kasing bisita ngayon hahaha"

Steve: "Oks, lang broo!!!. Happy Birthday.."
(Halatang lasing na siya dahil sa tuno ng boses niya)

Cole: "Oo nga, Happy Birthday!!"
(Pa cool namang sabi niya)

Lance: "Happy Birthday Bro"
(Tipid kong bati sa kanya pero ngumiti naman siya)

Rex: " Salamat mga bro, Ah and enjoy the party ha. I have to go..."
(Sabi niya at umalis rin dahil marami talaga siyang bisita na dapat niyag asikasuhin)

Kaming tatlo naman ay pinagpatuloy lang namin ang pag inom at pakwekwentuhan pero wala pang isang oras ay bagsak na si Steve sa kalasingan niya at may tama na rin ng alak si Cole kaya panay ang pag-eenglish nito pag magsalita o nagmumura. Ako naman ay kaya ko pa naman ang sarili ko kaya pa unti-unti na lang ang pag-inom.

Tinawagan na ni Cole ang kanyang personal driver niya para makauwi na dahil sinabi ko na umuwi na siya at ihatid na lang si Steve sa condo niya bago siya umuwi ka heto tinatawagan na niya at mga 20 minutes lang ay andiyan na yong driver niya. Nagpaiwan na lang ako dahil gusto ko munang mapag-isa at uminom.

Hindi ko na mabilang ang alak na nainom sa dami at lasing na rin ako at nahihilo na kaya pinatong ko muna ang ulo ko sa mesa ng may biglang nagsalita sa harap ko kaya napatingin ako pero hindi ko masyadong mamukhaan dahil may pagka blur na ang paningin ko sa sobrang lasing.

END OF LANCE POV



END OF LANCE POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


REBECCA POV

Andito kami ngayon sa "Paradise Club" isang pinaka sikat na bar/club sa pilipinas at isa pa pang mayaman lang ang kayang makapasok rito pati na rin mga celebrity.

Dito na kami dati nag cluclub dati nila Pat noong hindi pa ako umaalis ng bansa. Nagparty- party kami at uminom at nag enjoy na rin at isa pa birthday pala ng may ari kaya drink all you can ang offer ngayon sa club kaya tudo party naman ito si Patricia habang ako ay umupo muna sa table namin at uminom ng pa unti-unti habang nililibot ang paningin ko. Nang makita ko si Lance na mag-isa sa isang table sa second floor ng club ay tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya pero bago ako pumunta ay nag-cr muna ako at nagretouch ng makeup at mas pinakita ko pa ang cleavage ko sa hapit sa red dress na sout ko ngayon at ng matapos na ako ay pumunta na ako kay Lance na nakapatong na yong ulo niya sa mesa.

Nang nasa harapan na niya ako ay

Rebecca: "What a coincidence, Mr. Lance Montefalco pati pala sa club ay makikita kita"

Inangat naman niya ang ulo niya at tinignan lang niya ako at umayos ng upo pero halata ko na lasing na siya.

Rebecca: "You want another round of drink with me Mr. Montefalco!?"

Lance: "Thanks but I'm sorry Ms. Anderson, lasing kasi ako"

Rebecca: "Ano ka ba kahit isa lang, please!!!"
(nagpacute na rin ako sa kanya buti tinanggap)

Sa isang shot ng tequila ay naparami ang inom namin at nalasing na rin ako. Hindi na namin alam ang mga pinaggagawa namin at wala na kami sa kanya kanyang sarili sa sobrang kalasingan.








NEXT CHAPTER
Don't forget to Vote and Comment...

Happy Reading!!!!

😃😃😃😃😃😃

😘😘😘😘

Thank you mga Dwells sa pagbasa ng story ko at sa pag-vote sana wag niyong kalimutang mag vote. Kamsa and Saranghaeyo mga readerss. Caio.

Till Next Chapter!!!!

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon