Hannah's POV
Nabingi ako sa sinabi ni alexa dinamay nya pa si mommy!Hindi ko alam ang nangyayare sakin gusto ko umiyak pero galit ako.Ayaw ko sa lahat dinadamay si mommy.Tumalikod na sya at nagsimula ng maglakad.
*Boogsh*
"AHH!!!! WAG NA WAG MO IDADAMAY ANG MOMMY KO !!!!"sigaw ko sa galit
Di ko alam ang sumunod na nangyari.Narinig ko lang ang sigawan ng mga istudyante at ang mga kasama ni alexa.
"OH MY GOSH HALIMAW KANG BABAE KA!!!"Sigaw sakin ng isang kasama ni alexa yung sobrang pula ng labi.Di ko alam pero nakaramdam ako ng pamamanhid tipong wala akong maramdaman na iba kundi galit
(Anuh daw??pagpasensyahan nyo na di ko rin gets sarili ko kung sino gusto ko eh haha jk wag masyado seryoso papangit ka nyan)
Tumingin ako sa babae na yun nagtaka ako bigla syang napaatras ng makita nya ako,lumingon ako kay Alexa nagulat ako ng makita ko si alexa na bumagsak sa sahig.Parang natauhan naman ako sa gilid ng paningin ko nakita ko mga istudyante na nagtatakbuhan paalis sa pwesto namin.Pati na rin ang mga kasama ni Alexa.Nagulantang ako ng makita ko ang sarili ko sa isang basag na bintana sa gilid ko.
Nakakatakot...
Kakaiba....
Imposible..
Hindi toh pwede,paano nangyare toh?Yung mga mata ko naging kulay abo.Hindi ko alam ang nangyayare.Kung paano lumutang si Alexa.Paano naging ganito ang mata ko.Kung kanina galit ang nararamdaman ko ngayon takot.
Hindi kay Alexa o kung kanino man kundi sa sarili ko.
Narinig ko ang boses nila kuya kaya lumingon ako nakita ko silang tumatakbo pero napahinto sila ng makita ako.Alam ko nakakatakot ang itsura ko.Nakikita ko sa mga mata nila pero may pagaalala parin akong nakikita.
"Kambal..."sabi ni kuya Harry.Di ko alam pero biglang nanlabo yung paningin ko.Humakbang sya paabante pero agad ko rin syang pinigilan.
"Kuya please!STAY AWAY!!!"sigaw ko pero nagpatuloy lang sya sa paglalakad.Wala akong makita na kahit anong emosyon kay kuya harry.habang umaabante si kuya umaatras ako.Hindi sya pwedeng lumapit dahil baka masaktan ko sya.
"Baby nandito na ako nandito na kami ng mga kuya mo"mahinahon na sabi ni kuya Stephen.
"Baby kumalma ka.Magiging okey din ang lahat we will fix this okey?"rinig ko ring sabi ni kuya Charm.
Patuloy lang sa paglalakad si kuya Harry.Natatakot ako baka masaktan ko sya.Wala na akong maatrasan dahil bumangga na ako sa pinto ng isang classroom.
"KUYA PLEASE!!!!WAG KA LUMAPIT PLEASE!!"sigaw ko,di parin humihinto yung mga luha ko.Tumigil si kuya nakahinga ako ng maluwag
Pero..
Pero imposible...
Imposibleng nandito sya..
"Pusa"rinig kong bulong nya sa tenga ko.
~~~~~~~~~
Whoot whoot hahahaha etoh na ang updateeeeeeee.
Hera~
YOU ARE READING
I'm Just A Nerd
Teen FictionThis life is unbelievable.Bakit ba nila kailangan akong bantayan.Please give me the reasons -Hannah- -----------------------------
