Mula sa malayo

658 1 0
                                    

Hindi mo pa ako kilala,
Hindi pa nagtatagpo ang ating mga mata,
Pero araw araw ang dama ko ay ligaya,
Kahit ako lang ang naka tingin ay sapat na.

Bawat araw na nagdaan nalalaman ko na,
Ganito ka pala tumawa,
Ganito ka pala ngumiti,
Ganito ka pala sumaya,

Kahit gaano kalayo ang lugar ko sa kinatatayuan mo,
Ang tingin ko ay nasa iyo.

Kahit malayo ay saya ang bigay mo,
Kahit malayo napapa ngiti ang mga labi ko,
Umaasang balang araw magtatagpo din tayo.

Malalaman mo na may taong kagaya ko,
Na humahanga sayo mula sa malayo,
May taong kagaya ko,
  nag-nanais na makasama mo...

Kung mababasa mo man to,
Sana malaman mo na ang tagal ko nang
Naghihintay na makilala mo din ako.

Sana kahit sa isang pagkakataon lang..
Kahit isang minuto lang...
O segundo...

Basta masabi ko sayo
ang nararamdaman ko.

-PrinsipeUlan-

TulaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ