Likod Na Pahina

630 12 0
                                    

Dating naglugmok ang damdamin ko dahil sa hindi inaasahang paglisan mo,

Akala ko kasi ikaw na ang hinihintay ko, akala ko kasi ikaw na ang hinahanap ko.

Kaya noong nawala ka, lubusang luha ang dumampi saaking mga mata,
Halos di na makita ang dating kahulugan ng saya.

Pero eto ako ngayon,
Naka ngiti at hindi na iniisip pa,
Kung ano man ang mga nakalipas na,

Tinatawanan nalang ang sandamakmak na iniluha ko,

Nginingitian ang mga ala-ala na nasa
likod na pahina ng mga kwaderno ko.

Naiisip ko nalang na
Bakit nagpaka tanga ako ng ganoon dati? Bakit nagpaka baliw ako sa taong hindi ako pinili?

At ngayon, nalaman ko na ang tanga-tanga ko pala, ang tanga-tanga ko dahil "UMIBIG AKO SA TANGANG KAGAYA MO..."

-PrinsipeUlan-

TulaWhere stories live. Discover now