Pirasong Nabasag

396 8 0
                                    

mula noong lumisan ka sa buhay ko,
Tila lamat nalang sa salamin ang iniwan mo

Mga biak at sira nito, dahil sa sakit na dulot mo.

Di maikakaila dahil sa pagbabagong nangyari dito.

Dating makinang at malinaw,
Ngayoy naging malabo at nawala ang dalang silaw.

Kahit piliting ibalik ang mga pirasong nabasag, di na maibabalik ang linaw na dating natatanaw.

Sana maulit kahit minsan pa,
Ang dating kasiyahan na sa salamin ay natatanglaw,

Dating katuwaang nagmamayaw...

Dating mga ngiting hindi umaayaw...

At ang pagmamahalang natatanaw,
Sa liwanag at repleksyon sa ilaw...

-PrinsipeUlan-

TulaWhere stories live. Discover now