Payapa

587 8 0
                                    

Naglalakbay sa gitna ng dilim,
tinatahak ang daan na puro patalim,
Para lang maka ahon sa lalim,
Para bumalik sa kapayapaan ng takip silim.

Nag kukumahog kumawala,
Nag mamakaawa para lumaya,
Milyong luha ang rumagasa,
Dulot ng pusong balisang-balisa.

Mga tanong na...
Bakit mahal parin kita?
Bakit gusto padin kita kahit pinili mo sya?
Paano ka ba sa isip ko'y mawawala?

Ang hirap mag dala ng mabigat na ala-ala,
Di alam kung kailan pwedeng magpahinga,
Kahit pagod na pagod na ay itutuloy pa,
Maka upo lang kahit saglit sa payapa.

-PrinsipeUlan-

TulaWhere stories live. Discover now