Di Nakikita

316 8 0
                                    

Wag kang umasa,
Wag kang maniwala,
Wag kang magpaka tanga.

Ang pagmamahal ay
Di nasasabi ng salita,
Hindi nasusukat sa pera,
At hindi nakikita ng mga mata.

Ito ay nararamdaman...

Nararamdaman ng puso sa hindi malamang dahilan,

Nararamdaman sa bawat pag yakap at sa bawat nota ng salitang binibigkas
Na nagmumula sa kaila-ilaliman ng
Pusong nagmamahalan.

Nararamdaman kahit na pagsukluban
Ng langit at lupang handang harangan
Ang pag ragasa ng tamis at layaw na
Nagmumula sa damdaming hindi mapigilan.

Uulitin ko...

Ang pagmamahal ay
Di nasasabi ng salita,
Hindi nasusukat sa pera,
At hindi nakikita ng mga mata.

ITO AY NARARAMDAMAN!

-PrinsipeUlan-

TulaWhere stories live. Discover now