twitter - 22(one)

1K 38 6
                                    

Mika's POV

Ngayong araw yung graduation ko at ngayon din kami maguusap ni Victo, sabi ko kasi sakanya merong akong kailangan sabihin. After ng cool off namin hindi na namin napagusapan pa yung nangyari. Naging busy kami pareho at minsan lang naguusap. Naiintindihan ko naman sya, kung bakit kailangan nyang gawin yon, kaya no hard feelings at hindi ako galit sakanya. Kaya ko nga sya gustong makausap kasi gusto ko na ayusin namin. Mahal ko sya at hindi ko kaya na hindi kami okay. Gusto kong magtagal pa kami. Gusto ko sya makasama hanggang sa future.

"Bf, sure ka na ba mamaya?" tanong sakin ni Jessey na kasama kong naga-ayos dito sa bahay. Sabay na kasi kaming pupunta mamaya sa graduation. Yup, andito din family nya.

"Oo naman, Bf. Mahal ko eh." sagot ko kay Jessey.

"Eh pano si Jerome?"

"Magkaibigan lang kami, Bf. Para ko na nga syang boy bestfriend kasi sya yung napagkkwentuhan ko tungkol samin ni Victo simula nung nakipagbreak sya eh.

Totoo yun, naging close talaga kami ni Jerome dahil nadin sa pareho kaming talents ng Virtual Playground, pero hanggang dun lang talaga. Friends lang. Alam naman yun ni Jerome eh, kasi palagi akong nagkkwento sakanya tungkol samin ni Victo, kung paano kami nagsimula basta lahat. Binibigyan din nya ako ng advice, at sakanya din nanggaling na kung mahal ko pa ipaglaban ko dapat. Kaya ito, ipaglalaban ko talaga.

"Basta andito lang ako palagi for you, Bf. Support kita kung saan ka masaya."

"Aww ang sweet. Alam ko naman yon, Bf."

Lumapit ako kay Jessey at niyakap sya ng mahigpit. Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita ko si Mama na sumilip.

"Mga anak, tara na. Baka ma-late na tayo. Hintayin namin kayo sa baba.

Sumunod naman kami agad ni Jessey, kahit na medyo malapit lang sa school yung bahay eh alam nyo naman ang traffic sa Taft. Sa buong Pilipinas actually. Kaya gumora na kami, tsaka para may time pa magpicture with friends and batchmates.

- fast forward after graduation -

Nagtext si Victo na dito nalang sya didiretso sa bahay dahil hindi nga sya aabot sa graduation ko mismo. Sinamahan daw kasi nya yung mama nya, okay lang naman sakin kasi hindi rin naman ako nakapunta sa mismong graduation nya pati sa after graduation.

"Yeyerz!" may tumawag sakin kay nilingon ko.

"PONCE! Buti nakarating ka." lumapit agad ako kay Jerome at niyakap sya. No malice!

"Syempre naman, pwede bang hindi? Ikaw pa. Malakas ka sakin eh."  yakap nya pabalik sakin.

"May bibigay ako sayo! Pero dun tayo sa may swing nyo." pagyaya sakin ni Jerome kaya pumunta kami sa swing.

"Ano ba yun? Taray, may graduation gift. Ano ka, tatay ko?" pabiro kong sabi na kinatawa naman nya.

"May gusto lang ako sabihin sayo bago mo ayusin yung sainyong dalawa ni Ara.

"Oh, sige. Ano yun?"

Nagulat naman ako dahil bigla akong niyakap ni Jerome. Malungkot ba to? Anong meron?

"Gusto kita, Mika.

A-ano d-daw?






Ara's POV

twitterWhere stories live. Discover now