twitter - 3

1.4K 58 2
                                    

Mika's POV

Sandali nalang, maaari bang pagbiyan?
Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit, ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip.
Wag kang magalala
Di ko ipipilit sayo
Kahit na lilipad ang isip ko'y
torete sa---

Nagising ako dahil may tumatawag sa phone ko. Ugh, ano ba naman yan. Kinuha ko ito at sinagot.

"MIKA AEREEN REYES!!! GRABE KAAAAA!!!!" sigaw ng nasa kabilang linya. Aray ha! nilayo ko kagad yung phone sa tenga ko. Lintek! Ang sakit sa tenga. pagkatingin ko, sino pa ba? Eh di si Jessey. Ano naman kaya problema nito?

"Jessey, ano ba! Natutulog pa ko, kung magkkwento ka lang ulit na nakita mo na soulmate mo dahil nginitian ka ng nakasalubong mo. Aba! Lahat na soulmate mo." iritang sabi ko kay Jessey dahil inaantok pa talaga ako.

"Hindi ko papatulan yang panglalait mo sa paghahanap ko ng soulmate ko, dahil masaya ako para sayo..." sagot nya, ano pinagsasabi nito? Kulang lang to sa tulog eh.

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na, para makabalik na ko sa pagtulog." sagot ko na naiinis na kasi naman, ang tagal sabihin.

"Well, finollowback at tinweet ka lang naman ni Victonara Salas Galang kagabi. At ang sabi nya kilala ka daw nya." payabang na sagot ni Jessey sakin.

Oh, finollowback at tinweet lang naman pala ako ni Ara. Ano naman ngayon?

Wait...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
OH MY GOSH!!!!!!!!!!!! TINWEET AT FINOLLOWBACK AKO NI ARA GALANG?!?!?
AT KILALA NYA KO?!?!?!!??!?!!?!!??!?!

Napabalikwas ako sa kama at agad na nagpaalam kay Jessey, sabi ko tumawag nalang ulit sya mamaya. Chineck ko agad ang twitter ko, at napansin kong dumami followers ko, wow. AT NABASA KO NA NGA ANG TWEET NYA. ANG SARAP TIGNAN NG "follows you" pagpunta ko sa profile nya. Hihihihihi. Syempre rereplyan ko yung tweet  nya!

@mikareyesss: @VSGalang good morning ara! 😊 yep dun padin ako nagaaral. see u around!!

Online kaya sya? Sana naman oo, para magstart na kaming magusap tapos magiging friends na kami tapos magh-hang out kami, magiging close. Maiinlove sya sakin, liligawan nya ko. Then, TADAH. KAMI NA. Hay, saya mangarap maging kay Ara HAHAHAHA. Sa dinami dami ng notifications dahil sa fave ng fans nya at pagttweet samin na bagay daw kami at cute kami, wala pang reply si Ara. Pero biglang may nag-dm sakin....

VictonaraSalasGalang
@VSGalang

good morning, gorgeous 😉

ANO IR-REPLY KO??? JUSKO. MUNTIK KO NA MABATO YUNG PHONE KO SA KILIG. SHET, ARA. WAG MO GAWIN SAKIN TO. MARUPOK AKO.  KINIKILIG TALAGA AKO. ANG GANDA GANDA KO TALAGA.

---
Author's Note:

Pabitin muna! Yung chapter 3 is start na ng conversations nila through DM so sana wag kayo malito. Same format lang naman kung paano pag may ka-dm sa twitter.

So ayun, naisip ko na paabutin muna to ng chapter 6 tsaka ko sila sabay na iu-update ng 3and8. Para lang uniform yung chapters and di ako malito kung pang ilan na. MWF din update nito.

Natatawa ako sa sarili ko habang tinatype ko tong Chapter 3. Relate na relate ako kay fangirl Mika. Kung sakin magd-dm si Ara baka nahimatay pa ako eh 😂😂😂

twitter: pakwanlifetime

twitterМесто, где живут истории. Откройте их для себя