twitter - 10

1K 39 6
                                    

Ara's POV

March 5, 2014

Nagising ako dahil nagr-ring yung phone ko, unusual na may tumawag ng ganitong oras sakin kaya naisip kong baka emergency or importante talaga to. Kahit hirap dumilat, pinilit ko at sinilip yung orasan na nakasabit sa pader. 4:30 am. Sino naman tatawag ng ganitong oras? Dahil patuloy na nagr-ring yung phone ko, hinanap ko na agad ito baka magising pa si Kim na room mate ko dito sa dorm.

Vic: Hello?

: Vic? Nagising ba kita?

Vic: Oo eh, sino ba to?

: Si Bang to, Vic.

Nawala ata yung antok ko nung marealize ko kung sino yung tumawag. Shit. Bakit sya tumawag?

Vic: Ah, Bang. Bakit ka napatawag?

Bang: Sorry to wake you up, Vic. Pero nasiraan kasi ako. Pauwi palang ako galing work eh. I just need a ride home. Pwede ka ba? Sorry talaga sa istorbo.

Vic: Same place? Okay, I'll be there. Hintayin mo nalang ako sa parking.

Bang: Yup. Okay, I'll wait. Bye and thank you.

Dali dali akong tumayo sa kama, dumiretso sa cr para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi na ko naligo dahil ayoko na may naghihintay sakin kaya gumayak na ako pagtapos ko magayos ng sarili. Kinuha ko lang yung car keys ko, wallet at phone. Wala pang gising sa dorm, at Sabado ngayon. Wala kaming training dahil rest day hanggang Sunday.

Hindi naman ako nahirapan pumunta dito sa BGC kung saan nagt-trabaho si Bang. Maaga pa kasi kaya panigurado walang traffic dahil usually 5:30 am - 6:00 am nags-start maging busy yung mga kalsada. Pagdating ko sa parking, andon na sya. Sa usual place kung saan nya ako hinihintay dati tuwing sinusundo ko sya. Oo, mag-ex kami. Pero good friends kami at nakamove on na ako. 

Huminto ako sa harap nya, at hinintay syang makapasok sa shotgun seat. Bumeso naman sya sakin at halata sakanya na pagod na pagod sya. Ang haggard nya eh.

"Hey, Thank you talaga Vic. Nagpatawag na ako sa secretary ko ng pupunta dito para mapagawa yung sira sa kotse." sabi ni Bang at nginitian ako. Tumango naman ako at nagsimula ng magdrive. Naging tahimik kami siguro dahil wala din ako sa mood masyado para makipagusap, ang aga pa eh. At nakapikit lang sya dahil siguro sa pagod sa trabaho kaya mas pinili nyang magpahinga nalang.

It's already 6:15 am pero hindi pa kami nakaka-halfway dahil ang traffic na. Nagugutom na ako at si Bang ayun, tulog na. Naghanap ako ng Jollibee or kahit anong fastfood para mag-drive thru kasi gutom na talaga ako. Nakakita ako ng McDo sa susunod na street kaya dun ako dumireto at umorder ng breakfast meal, and oo alam ko yung kay Bang dahil lagi kami kumakain dito.

"Bang? Gising, kain muna tayo." tinapik ko sya ng dahan dahan at nagising naman sya agad. Umayos sya ng upo at inabot ko na sakanya yung pagkain nya. Nagpark ako after ko makuha yung orders namin, ayoko bumaba ng kotse kasi baka may makakita samin.

"Thank you sa food and naks, alam mo padin gusto ko hanggang ngayon. Hahahaha" biro ni Bang habang nagsimula syang kumain, at ako din kumain na. Nagkwentuhan kami, catch up din. Hindi ko pa kinekwento yung kay Mika kasi hindi naman sya nagtatanong. Nang matapos kaming kumain nagdrive na ulit ako, past 7 na and nararamdaman ko na ulit yung antok kaya medyo nagmamadali na ako sa pagd-drive.

Nang makarating kami sa tapat ng condo nya, nagsabi ako na hindi na ako bababa. Inaantok na kasi talaga ako. Bago sya lumabas ng kotse, nagaya sya magpicture dahil ang tagal na daw naming hindi nagkikita. Hindi naman ako tumanggi, at isang photo lang naman yun. Nag-thank you ulit sya at nagsorry sa abala bago tuluyang lumabas ng kotse.

Pagkadating ko sa dorm, may mga gising na. Sila Kianna, Dawn at Majoy na busy magprepare sa kusina ng breakfast kaya for sure hindi nila ako napansin na pumasok. Dumiretso ako sa kama ko at thankful ako na tulog pa si Kim dahil mangungulit lang yun ng mga tanong kung saan ako galing, wala ako sa mood dahil antok talaga ako. Humiga ako sa kama at tuluyan ng natulog. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko ng sunud sunod pero hindi ko na pinansin dahil makapaghihintay naman yan kung ano man yan....

ShielaMarie Pineda started following you.

"@bangnita: just got home from work, thanks for the ride vic! @VSGalang ;)"

"@bangnita: just got home from work, thanks for the ride vic! @VSGalang ;)"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

Author's Note:

O o p s . May nagbalik? Eh ano kaya reaksyon ni Mika pag nakita nya tong picture? And, hindi nagpaalam si Ara sakanya. Remember? Patay ka, Galang! Long time no update hehehe, sorry naging busy ako. I'll post another chapter later. 3 chapters ip-post ko ngayon, depends sa mood. Hehehe.

twitter: pakwanlifetime

twitterWhere stories live. Discover now