Chapter 14: The Second Case

28 1 0
                                    

|Sapphire's POV|

Nasa Org. Room kami ngayon nakatambay nina Lance at Loraine. Yung ibang members naman ay may classes parin hanggang ngayon.

"Hey, Sapphire, ano nga ulit ang sunod nating class?" Tanong ni Lance. Nakakasolve ng cases, lahat ng clues natatandaan pero hindi matandaan ng classes niya. Tss.

"Math, bakit?" Nandito naman ako sa sofa katabi si Loraine na nagyou-youtube lang.

Tinuturuan kasi ako ulit ni Loraine na maglockpicking. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin mabuksan ang nakakainis na lock na ito.

"Math pala... May assignment ka na?"

"Wait... wha- anong assignment?" Shit. May assignment kami sa Math? Naging makakalimutin narin ako. Dahil sa mga activities sa school ngayon, nakakalimutan ko ng maggawa ng assignments ko.

Nakakapaggawa ako ng ibang assignments, kaso may mga subjects ko na natabunan na dahil marami na talagang ginagawa sa school.

"Wala ka ring assignment?" Tanong ni Lance. Inirapan ko nalang siya.

"Magtatanong ba ako kung may assignment ako?" Common sense. Hahays. I guess I need to do my assignment first.

Habang kumukuha ako ng mga gamit, nagulat naman ako sa reaction ni Loraine ngayon. Kumikislap kislap pa ang mata nito habang nanonood ng isang video sa youtube.

"Haaaay, ang ganda niya talaga," nakahalumbaba pa ito at parang nag-iimagine na kasama niya ang nasa video.

"Ang ganda? Diba dapat 'ang gwapo'? Pfft." Natawa nalang ako kay Loraine. Ngayon ko pang siya nakita na mag admire ng ganyan. At sa isang babae pa!

"Alam mo kasi, meron rin tayong mga girl crush ngayon," tinapat naman ni Loraine ang phone niya sa mukha ko.

"This is ThatsBella, kilala mo?" ThatsBella? Hindi ko pa siya naririnig. What's with her?

"Siya yung youtuber na taga dito lang din! Nag-aaral siya sa may DLSL! Ang lapit lang diba? Pero hindi ko parin siya nakikita hanggang ngayon kasi hindi naman ako nakakadaan sa La Salle these days." With matching kalog kalog at fangirling feels pa yan ha.

"I know her Loraine. Nakita ko siya minsan sa mall. She looks... ordinary." Comment ni Lance. Nagniningning naman ang mata ni Loraine habang nagfafangirling.

Umiling nalang ako at naggawa ng homework. After 15mins ay dumeretso na kami sa aming mga classroom dahil 5mins nalang ay magta-time.

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Lance sa room ay nakita namin kung gaano kagulo ang mga silya at mga gamit ng mga kaklase ko. Wala manlang silang pake kung padating na ang teacher namin sa Math.

"Anong sagot sa 12?"

"B. Ata, hindi ko sure."

"Eh? Paano mo nasagutan?"

"Kilala mo si Pewdiepie?"

"Oo, pero mas gusto ko si CinnamonToastKen."

"Ang sweet ni Alex at Laur diba? Kyaaa~"

"THATSBELLA PARIN MGA ULOOOOL"

Sari sari na ang mga naging usap usapan sa room namin. Pero biglang tumahimik ang lahat ng may biglang sumigaw.

"NANDYAN NA ANG PROFFFFF!!"

Dahil sa sigaw na ito, wala pang 1 minute ay nakita ko kung gaano kabilis ang mga kaklase ko na maglinis. At bago pa pumasok ang prof ay kumikinang ang classroom namin sa sobrang linis. Heh, magaling sila maglinis.

The First Case: SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon