Chapter 3: Demetreal University

35 2 0
                                    

After almost 3hrs of commuting from Manila to Batangas. We arrived home safely.

Home sweet home, Lipa City. Andaming nagbago. Halos lahat siguro ay hindi ko natanda dahil sa pagbabagong nangyari. No more parking sa gilid, more civilized, no more vendors tuwing gabi (which is called Night Market) Nagkaroon ng bagong structure sa palengke. Upgraded schools.

Bakit ang dami kong namiss na bagay? What happened here?

"Sapphire, anak, I missed you very much! How are you?" niyakap ako ni Mommy na parang 1 buwan na kaming hindi nagkausap at nagkita. Parang halos araw araw ko ata yang kausap. At 1 week palang kaming hindi nagkakita no.

"I'm very fine ma! Grabe, fresh air talaga dito sa Batangas!" Totoo talaga ito. Polluted air kasi lagi ang naaamoy natin sa Manila.

"Well, I see, you are enjoying Batangas. May gusto ka bang puntahan?" tanong ni Mommy.

"Nah, I need to rest. I can't sleep properly last night. I'm too excited to comeback here." ginulo ni Mommy ang buhok ko.

"Okay, Sapphire, Just call yaya if you need something. There's your room." she pointed at the white door.

I nodded at her. Then pumasok na ako sa room ko. I saw a bed na kasya ang dalawang tao. A big closet. A desk. The theme of my room was clean white. All white. I feel comfortable dahil medyo katulad siya ng room sa Manila. Siguro ay mas madali akong makakapag adjust.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at natulog.

_______________________________________

2 weeks na ang nakakalipas pagkatapos kong makalipat dito sa Lipa. At ngayon ay mag-eenroll na kami sa Demetreal University. Hindi ko alam ang University na iyon. Ang nakita ko lang na malapit na school sa bahay ay DLSL o De La Salle Lipa.

Papasok na kami sa gate ng school. At bumaba. Pumunta naman kami sa office para magtanong kung saan pwede mag-enroll for senior high. At kung saan saan nila kami tinuro. Muntikan pa kaming maligaw ni Mommy.

Pero agad naming nakita yung isa pang Office kung saan ka magpapa-enroll. Mahaba pa ang pila dito.

"Sapphire, pumila ka lang dito, I jusy need to visit the Principal of this school." sabi nito sakin.

"Hmm? Principal? Why?" tanong ko dito. Bakit niya naman pupuntahan ang principal?

"We are really good friends ng principal dito. I just want to check her at magkamustahan. I'll comeback naman. Bili ka na din ng iba mo pang needs doon sa nadaanan nating school store." napatango nalang ako at umalis na siya.

At ngayon ay nakapila ako sa likod ng isang matangkad na lalaki. Grabe naman ang tangkad niya. Malapit na siguro mag 6 feet? Satingin ko ay transferee rin siya... nakita ko kasi yung card niya na may logo ng Xavier University.

Woah wait, galing Xavier Univ? Ang laki na ng school na yun! Bakit pa kaya siya lumipat?

Tatanungin ko sana yung lalaki but this guys have this dark aura na nagsasabi sakin na "Don't talk to me. I won't response."

Habang tinitingnan ko ang paligid, napansin ko na pinagtitinginan ako ng ibang students or should I say enrollees.

Bakit kaya nila ako pinagtitinginan? I tried to wipe my face baka may dumi ako. Pero wala naman. O sadyang ngayon lang sila nakakita ng taga Manila na transferee?

Nang ako na ang sunod na magbibigay ng requirements,may tinanong yung lalaking nagaasikaso sakin.

"Nakapasok ka na ba dito? Medyo familiar ka kasi." tanong nito sakin. Wala talaga akong idea kung bakit niya yun naisip. Buong buhay ko, doon ako nag aral sa Manila. Paano nangyari yun?

"Sa Manila po ako pumasok, baka po kamukha ko lang." nginitian ko nalang ang lalaking iyon. At umalis na.

Next stop: School Supplies. May store dito sa school na puro school supplies at uniforms. Parang utong medyo pinalaki na 7/11 na puro school related stuffs ang laman.

"Excuse me, 5 uniforms please." sabi ko doon sa cashier. Nasa likod niya kasi yung mga binebentang uniforms ng school.

"Ano pong size?" pagkatanong nito. Medyo na concious ako sa sagot ko.

"Medium po." sabay yuko. Aray ko. Medyo nasaktan ako doon. Wag niyo na tanungin kung bakit dahil baka masaktan din kayo.

Pagkatanggap ko nito ay nakasalubong ko nanaman yung lalaking matangkad kanina sa pilahan doon sa enrollees.

Bumili narin ako ng notebooks at marami pang bagay. Bumili narin ako ng locker designs dahil nakapagrent narin ako ng locker.

Nang papalabas na ako ng store, napatingin ulit ako doon sa lalaking matangkad.

"Shit," Nagsakto... Nakatingin rin ito sakin. Eye to eye. Shit. Ano yun?

Agad agad akong lumabas ng store at pinuntahan si Mommy sa may Cafeteria. Kasama niya parin ang Principal. Ang weird ng reactions ng tao dito kapag nakikita nila ako. Talagang shocking?

"Hello po," bati ko sa principal at umupo sa tabi ni Mommy.

"Sapphire, this is Tita Ella, yung principal ng school." nagulat parin ang Principal dahil sa eye to eye na nangyari saming dalawa.

"Nice meeting you Sapphire," nilahad ng principal ang kamay nito. Agad ko naman tinanggap.

"Welcome to Demetreal University. Feel free entering my office kung may kailangan. Dahil sa school na ito," hinawakan nito ang aking kamay. "We want is the safety of the students."

Weird. Everything is weird. Not just everything, Everyone too.

"It's good to hear Ella. See ya sometimes. But now, we need to go, marami pa kasi kaming pupuntahan ni Sapphire. Thank you for your time." tumayo kaming tatlo at nagpunta na sa kanya kanyang destinasyon.

The First Case: SapphireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin