Chapter 11: Reasons

24 2 0
                                    


Naghihintay lang ako sa Cafeteria ng biglang nagbuzz ang relo ko.

"In 2 minutes, nandyan na siya. Watch his every move." text sakin ni Lance. Dahil dito, mas lalo akong kinabahan.

"Whoo, Kaya mo yan Sapphire." sabi ko sa sarili ko, Hinihintay ko nalang na makita si Anthony.

3..

2..

1..

Bigla na siyang lumabas sa harap ng cafeteria. Wala itong kasama kaya madali na siyang sundan. Pero ang napansin ko ay parang may kakaiba na sa kanya. Merong mali dito. Pabagal ng pabagal lang siya sa paglalakad. Hanggang sa tumigil na siya.

Dahil sa pagtigil niya, napatigil rin ako. Kinakabahan ako sa pagtigil niya. Naramdaman ko naman ang pagbuzz ng relo ko. Bago ko pa makita ang text, ay tumingin sakin si Anthony at nginitian.

"Excuse me, anong oras na?" sabi nito at nakatingin parin sakin. Fuck, what should I do?

"H-ha?" Halos lumabas ang puso ko dahil sa kaba. Alam niya kaya?

Lumapit ito sakin at tinanong ang pinaka ayaw kong marinig.

"Are you following me?" tanong nito sakin.

what the hell? Paano naman niya nasabi na sinusundan ko siya? Obvious ba masyado?

Anong sasabihin ko? Iyan lang ang sinabi ko sa sarili ko. Nabisto na agad ako. Sigurado akong patay ako kay Lance.

I took a deep breathe and analyzed the situation. Kung alam naman niya na sinusundan ko siya, bakit hindi ako pa aminin sa kanya.

"Sorry? Paano mo naman nasabing sinusundan kita?" tinaasan ko ito ng kilay at tinarayan para hindi obvious na maka-escape ako.

"Hmm, Nasesense ko lang na meron kanina pang sumusunod sakin," napatingin lang ito sa taas. Napa iling nalang ako.

"I'm not one of the desperate girls na sumusunod sayo, at nagpapaloko sayo. Kawawa siguro ang magiging girlfriend mo." inirapan ko nalang ito at nagsimulang maglakad ulit. This time, sinubukan ko nang tumakas.

Bago pa ako maka-alis sa scene, bigla nalang niya akong hinila at sinabing, "Hoy, kung sino ka man, Hindi magiging kawawa sakin ang girlfriend ko!" nanlilisik ang mata nito at galit na galit.

I insulted his girlfriend. That's the key kung paano ko malalaman kung nagche-cheat siya. The way he reacts when the topic is his girlfriend, yun na ang sagot. If you really love someone, you need to protect him/her and your relationship.

"Oh yeah? Paano mo naman nasasabi yan? It looks like you are cheating on her." Nasabi ko iyon ng nakatalikod parin sa kanya. Hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng lakas ng loob.

"So you really are following me..." sabi ni Anthony. "Pero hindi mo naiintindihan kung ano talagang pinaguusapan namin at kailangan kong makipag kita sa mga kaibigan ni Wendy."

Kaibigan ni Wendy? So lahat ng nakita naming kasama niyang babae ay kaibigan ni Wendy? His cheating by flirting her girlfriend's friends? or may important silang paguusapan.

"Then did you meet her friends? Something's up right?" this time, biglang nagbuzz ang relo ko. Nagkakagulo na sa KIL.

'GO ON SAPPHIRE.'

'What the? Escape now Sapphire!'

'Wag mong pansinin si Lance, corner mo na siya.'

'This is getting excited, aamin na siya,"

Yan ang mga message na nakuha ko sa KIL. at yung isang pagalit na statement ay kay Lance. 

"I can't tell you my plans." Humarap na ako sa kanya pero umiwas naman ito ng tingin.

"That answer doesn't satisfy me." naghalukipkip ako at ngumiti. Ngiting wagi.

"Sino ka ba ha? Bakit ba andami mong tanong?"

"Don't answer me with a question," tinulak ko siya sa isang corner at tinutukan ng isang electric pen. Heh, kunyari lang na electric pen. Nakataas lang ang kamay nito at parang sumusuko.

"Sige sige na! sasabihin ko na!" nakatututok parin ang ballpen ko sa kanya. "Grabe, akala ko sa mga mystery books ko lang makikita ang ballpen na ganyan. Please wag mo ng itutok yan sakin."

"Then spill the beans now!" sigaw ko rito. Mabuti nalang at walang tao kung saan ko siya itinulak. Hindi ko inaasahan na mas malakas pa ako sa lalaking ito. Weak.

"Nagpla-plan ako ng su--- surprise celebration kasi 5th anniversary na namin." boom. so, he's not cheating?

--------------------------------------

KIL Room.

Isinama ko si Anthony sa Org. Room para makausap namin siya at malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

"Sapphire!" salubong sakin ni Loraine. "We've been watching you sa CCTV at doon sa CCTV sa bag."

napakunot naman ng noo si Anthony. Tiningnan naman niya ang bag nito at nakita niya ang isang maliit na camera. Gulat na gulat ito. "Wait, whaa-- How? Grabe ang amazing niyo!" nakathumbs-up pa ito samin. Si Lance naman, napahilot ng ulo.

"Sapphire Gonzales, Maguusap tayo mamaya," sabi sakin ni Lance. Kinabahan naman ako kung anong sasabihin niya.

Nagtipon naman kami sa Table. Tinitigan naman ni Lance si Anthony. I know Anthony is surely scared right now. The way Lance looked to him, parang sinasabi niya na kapag nagsinungaling siya ay hindi na siya mabubuhay pa sa mundo.

"As you can see, This guy, (referring to Josiah) is our living lie detector. He can tell if you are lying or not. If we caught you lying, We'll tell your girlfriend kung ano ang mga pinaggagagawa mo sa buhay." pananakot ni Lance. Tumango naman si Anthony.

"So, you are not cheating on her?" deretsong tanong ni Josiah kay Anthony. I'd never seen him so serious. Kung gaano siya kalikot, ganyan naman siya kaseryoso. Kapag nakita niyo siyang seryoso, matatakot talaga kayo.


"N-no," nagtap ang mga daliri nito sa lamesa. "Why would I cheat on her? Impossible yun."

"Hindi yun impossible, lapitin ang mga lalaki sa tukso, specially, the guys like you." sabi ni Loraine. Talagang kino-corner nila. Hotseat na hotseat na siya.


"I mean, kung samin talaga ang paguusapan, I really trust her and I know she trust me too. Kahit pa maraming babae sa harapan ko, siya parin naman ang pipiliin ko."


"If you really have enough trust to each other, bakit ka niya hinalaan na naghahanap ng iba?" sabi ni Lance. "Why does she feel empty right now?" 


Nagulat nalang ako sa mga sinasabi ni Lance ngayon. Dahil hindi ko naman alam na may alam pala siya sa mga love love thing na iyan.


"I can't blame her. That's a part of my plan--"


"What plan?"


"For our 5th anniversary." 5 years na pala silang magkasama. 5 years is a very long time. Siguro ay kilalang kilala na nila ang isa't isa. 


Napatingin nalang kami kay Anthony ng biglang ngumiti ng sobra sobra. Halos abot tainga ang ngiti nito. 


"Why don't you help me for the Special surprise for her?"


----------------------

Nakakaexcite naman si papa anthony! Isang Anthony sa buhay ko please <3 

The First Case: SapphireWhere stories live. Discover now