Chapter 6: Organization Seeker

21 3 0
                                    

It's been a week since Loraine and I talked. Pero binabati niya ako kapag nakikita niya ako sa hallway. And medyo naging close kami ng mga classmates ko. Tuwing breaktime, may nakakasabay na akong kumain at may nakakausap habang kumakain. Ganon din si Loraine. Nakikita ko siya sa Cafeteria na may kasamang ibat ibang students. I'm happy na nagkaroon na kami ng friends.

It's been a week at kumakalat na sa iba't ibang places na ito ang mga fliers ng ibat ibang organization. Ang pinagtataka ko, wala manlang akong nakikitang fliers ng KIL.

Nandito ako sa room habang tinititigan ang ibat ibang fliers na naibigay sakin. Iba't ibang organization. Gusto kong sumali sa Student Council ulit, kaso gusto ko rin may ma-try na ibang gawain.

"Sapphire, anong sasalihan mong organization? Nako! Sigurado akong makukuha ka agad!" sabi ng kaklase kong si Red. May kakambal ito, si Blue na nasa GAS-A.

"Kaya nga, Sapphire. Ano pa bang hindi mo kayang gawin? Magaling sumayaw at kumanta. Maganda, at matalino pa!" hagikhik ni Minnie. Siya naman yung kaklase ko na ubod ng tangkad. Halos kabaliktaran ng pangalan niya. Ang Height niya, pangmodel talaga. Mas matangkad pa nga siya sakin.

"Hindi naman, kayo naman. Hindi naman ako ganyan kagaling. At alam kong may high standards in every organization." pagpapaliwanag ko sa kanila. Nagulat nalang ako ng may umakbay sakin.

"Ano ba yan, Sapphy, Kailangan mong sumali sa Organization namin! Maraming interesting stuffs doon at sigurado akong may matututunan ka." sabi ni Elash. Current Vice President ng Arts Club.

"Hindi! Samin siya sasali!" tiningnan ako ni Minnie, "Samin ka sasali diba?" si Minnie naman ang Grade 11 representative ng Chess Club.

"Nakakadiri ang mga Club niyo. Mas maganda pa, samin nalang siya sumali. Tutal magaling naman siya magsaulo at mag-act. Diba?" si Red. Siya ang President ng Theatre Club.

"Wag niyong pilitin ang ayaw. Hayaan niyo siyang pumili ng gusto niya talagang Club. Walang thrill kung maipapasok niyo siya dahil sa kaclose niya kayo. Ano nalang sasabihin ng nga tao?" sabi ni Lance habang umiinom ng Dutchmill na Strawberry.

Tama nga naman siya. Ayokong makapasok sa isang club dahil sa may connections ako sa kanila.

Tiningnan ko nalang ang mga fliers ng ibat ibang clubs o organizations. Pero kusang tumitigil sa harapan ko ang flier ng KIL na binigay sakin ni Loraine last week.

"OMG!" -Minnie

"A-ano yan? Saan mo nakuha yan!?" -Red

"Isa ka sa mga pinili?!?" -Elash

Nagulat rin ako ng nasamid si Lance sa pagkakainom niya. Ubo siya ng ubo. Kakaiba ang mga reaction nila. Ano bang meron sa Flier na ito at sa KIL?

"What the fck, Sapphire. Saan mo nakuha yan?" tanong sakin ni Lance. Kitang kita ang pagkagulat sa mga mata nito.

"May nagbigay lang nito sakin last week." napayuko nalang ako. Kasalan bang makakuha ng ganitong flier! Parang hindi na nila ako matingnan. Nadidiri ba sila? Ano bang meron?

"..." Hindi talaga makapagreact ng maayos ang tatlo. Tinulak naman sila ni Lance palayo sakin.

"Sino? Sinong nagbigay sayo niyan?" seryosong tanong ni Lance.

"A-ano bang problema mo?" hindi ako makasagot ng ayos dahil... Tangina, sobrang lapit ng mukha niya sakin. Paano nalang ako sasagot kung ilang lapit nalang niya at pwede na niya akong mahalikan!

"Just answer the damn question!" Bakit ba lagi itong naiirita sakin! Nakakainis na itong si Lance.

"Si Loraine nga! yung nasa STEM!" sigae kong sagot dito. Aba't sigaw sigawan ba naman daw ako!

Bumalik si Lance sa upuan niya at hinilot ang ulo niya. Ano bang problema niya? Bakit ba apektadong apektado siya?

"A-ang galing mo Sapphire! Naimbitahan ka pang mag-audition sa KIL!" sabi ni Red habang kumikinang kinang ang mata nito.

"Ano bang meron sa KIL?" tanong ko sa mga ito. Mas lalo pa silang nagulat ng itanong ko ito.

"What the hell? Seriously Sapphire? Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo?" tanong ni Lance.

"Bakit ba kapag nagtatanong ako, tanong rin ang sagot mo?" irita kong sagot kay Lance. Palagi kaming ganyan. 1 week na ang nakakalipas at tuwing naguusap kami ay palaging parang pagalit.

"Tss, Nevermind. Bahala ka." lumabas si Lance ng classroom. Siguro ay magtatapon lang ng ininom niyang dutchmill.

"How did she get an invitation from KIL, kung hindi naman niya alam kung ano ang KIL?" tanong ni Elash kay Minnie.

"Yun rin nga ang pinagtataka ko. Paano nangyari yun?" Umakto si Minnie na  parang nagiisip.

Umubo ako ng kaunti para makuha ang atensyon nila.

"Ano bang meron sa KIL at parang may nagawa akong kasalanan dahil nakakuha ako ng flier nila?" tanong sa mga ito.

"Hindi ito ordinaryong flier, Sapphire. Isa itong invitation," pagpapaliwanag ni Red. "Ang lahat ng nakakatanggap ng flier na yan ang pwedeng magaudition sa kanila. Meron ding nagau-audition sa kanila na hindi nakatanggap ng flier, kaso ni isa sa kanila ay hindi nila tinatanggap."

"Kahit sobrang galing nilang sumayaw, at hindi sila nakakuha ng flier. Hindi parin sila makakapasok sa Organization." sabi naman ni Elash.

"Halos bilang lang din ang mga members nito. Hindi ito tumataas ng 10 members. Halatang piling pili ang mga ito. Ang mas malala pa, nakakakuha sila ng fund kahit wala naman silang sinasalihang school activities." sabi ni Minnie. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. It makes their organization... Really interesting.

"Kaya Sapphire," hinawakan ni Minnie ang kamay ko. "Mag-audition ka sa KIL. Isa ka sa mga pinili nila para magkaroon ng chance na maging member nila. Show them kung ano ang kaya mong gawin!" pagche-cheer sakin ni Minnie.

"Oo nga Sapphire! Kung gusto mo pa ay suportahan ka namin habang nagau-audition ka!" sabi ni Red.

"Ako na ang bahala sa tubig mo! Basta mag audition ka Sapphire!" sabi naman ni Elash.

I guess. I don't have a choice.

The First Case: SapphireWhere stories live. Discover now