bahay-bahayan

11 2 2
                                    

William's POV

"So, anong pangalan nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Wag kayong mahiya. Alam nyo bang wala naring mama at papa si kuya nyo?" wika ko ulit nang hindi sila sumagot.

Nagulat naman sila sa sinabi ko kaya ngumiti ako sa kanila.

"T-talaga po?" tanong nung pinakabata.

Tumango ako at ngumiti ulit. "Nakikita ko ang sarili ko sa inyo" wika ko at gumuhit saking mga labi ang isang mapait na ngiti.

Napakagaan ng pakiramdam ko sa mga batang ito. Siguro dahil parihas kami.

Umiyak naman sila kaya agad akong lumapit at pinatahan silang dalawa.

"Shhhh tahan na. Wag kayong mag-aalala ha? Magsasaya tayo" wika ko habang hinahaplos ang ulo nilang dalawa.

"P-pwede po bang m-maging mama at papa po n-namin kayo? Na m-miss po k-kasi namin ang ang ang mama at papa namin" wika nung kuya.

"Oo naman! Diba Will?" Bungad samin ni Stephanie habang dala-dala ang snack para sa dalawang bata.

"Syempre naman. Kaya wag na kayong malungkot. Mageenjoy tayong apat" wika ko sabay tingin kay Stephanie. "Ng mama nyo" dagdag ko.

Namula naman si Stephanie na mas lalong nagpacute sa kanya.

"T-talaga papa?" wika nung mas nakakatanda.

Nabigla ako sa tinawag niya sakin pero ngumiti nalang ako sabay tango.

Tiningnan ko si Stephanie na pinupunasan ang luha ng mga bata. ang cute niya. Para talaga siyang isang ina na inaalagaan ang anak.

Tumingin siya sa gawi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Ehh sa naiilang ako eh.

"Cge na, maligo na muna kayo ha? Pagkatapos nyung mag ready ay aalis tayo. Pupunta tayo sa mall. Ni daddy nyu" wika niya sa dalawa.

Ako naman ngayon ang umiinit ang pisngi. Gantihan ba naman ako......

"S-sige po" sabay nilang sabi kaya tumawa si Stephanie.

"Andun yung CR" wika niya sabat turo sa banyo.

Pinagmasdan kong naglakad ang dalawang bata papunta sa banyo.

"Salamat" wika niya nang makapasok na ang mga bata sa banyo.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

She Tamed Mister Vampire (On-going)Where stories live. Discover now