Meet again

8 3 0
                                    

Stephanie's POV

Hayyy ang hirap naman kapag ganitong siksikan kayo sa jeep uh. Im on my way to school. Pasokan nanaman kasi eh.

Pero no choice ako. Para din naman to sa kinabukasan ko. Kunting sipag at tsga lang. Kunting tiis nalang matatapos ko na ang high school.

Im currently at grade 11. Humms ang kinuha ko dahil gusto kong maging teacher in the near future.

"Para po" ani ko nang makarating ako sa skwelahan.

Agad namang hininto ni manong ang jeep at bumaba na ako. Humarap muna ako sa gate ng school. Okay this is it pancit. Lumapit kaagad ako kay mamang guard sabay pakita sa I.D ko at pumasok na sa loob.

Andito na kaya si bakla? Sana naman nandito na siya. Naiilang kasi akong maglakad ng ako lang mag-isa.

"Bakla asan kana?" Text ko sa kanya.

*bzzzt bzzzt*

Wow ang bilis mag reply.

"Nasa bahay pa ako. Ikaw saan kana?" Reply niya.

Napasimangot naman ako. So it means ako lang mag-isa ang maglalakad ngayon sa campus.

"I'm here at school" reply ko rin.

Tinago ko na ulit ang phone ko sa loob ng bulsa ko at nagsimula nang maglakad.

Hindi talaga ako comfortable maglakad mag-isa huhuhu. Si bakla naman kasi eh.

"Teka diba siya yung ex ni Gerald?"

"Oo siya nga yon. Ambisyosa kasi ayan tuloy nasaktan"

Dinig na dinig ng dalawa kong taynga ang pinag-usapan ng dalawang maarting babae na nadaanan ko. Pero hindi ko nalang sila pinansin. Tama naman sila eh.

Nawalan bigla ako ng ganang pumasok. Total first day pa naman. Pwede pa na hindi ako pumasok. Kaya pupunta nalang muna ako sa cafeteria.

Naglakad nalang ako patungo sa cafeteria.

Nag-order lang ako ng dalawang slice ng pizza tska juice. Lumabas na kaagad ako dahil ang daming tao sa loob.

I was on my way na sana patungo sa football field nang madaanan ko si Gerald at ang bago niyang girlfriend na si Bianca. Ang queen bee nitong school.

"Ohhhw look who's here" maarteng wika ni Bianca.

Napatigil naman ako sa aking paglalakad nang humarap silang dalawa sakin. Tumingin ako sa magkahawak na kamay nila. Kumirot ang puso ko.

Feeling ko maluluha na ako sa sobrang sakit.

"Bianca let's go" wika ni Gerald sa girlfriend niya sabay hila kay Bianca paalis pero inalis lang ni Bianca ang pagkakahawak ni Gerald sa braso niya at humarap ulit sakin.

She Tamed Mister Vampire (On-going)Where stories live. Discover now