Real Identity

9 1 1
                                    

Stephanie's POV

I can't believe na ginawa yon ni William. He saved me from Bianca. Akala ko talaga maipapahiya nanaman ako nun eh. But thanks to this guy beside me.

Naglalakad kami ngayon patungo sa classroom ko. Ihahatid daw nya ako. Baka' anohin nanamn daw ako ng mga tao. May sweet side naman pala ang lalaking to eh.

"Dito nalang" wika ko.

Tumigil na rin siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Mag-iingat ka, at saka sabihin mo lang sakin kapag ginulo ka ulit nun" giit niya sabay bitaw sa kamay ko.

"Sige, papasok na ako" saad ko sabay pasok sa silid.

Hayyyy salamat naman at wala pa ang professor.

Nagtungo agad ako sa pwesto ko kanina.

"Hoy! Bakit late ka? Pasalamat ka at absent si Miss Alcubal" wika ni Joseph sakin pagkaupo ko.

"Joseph Florenti pakihinaan ang boses mo please" wika ni Trisha ang class president namin.

Putek gusto ko ng humalakhak ng walang humpay.

Tumayo siya.

"Class president wag mo akong tatawagin sa totoo kong pangalan. Hindi mo ba nakikita ang kagandahan ko?" wika niya habang naka hawak sa kaniyang baywang.

Gusto ko na talagang ma tawa!!!

"Okay, what do you want me to call you?" tanong ni Trisha.

Kitang-kita ko sa mukha ng mga kaklase ko na gusto narin nilang matawa ngunit katulad ko nagpipigil lang.

"Josephine, yan ang itawag mo sakin" ani niya sabay upo.

"Okay, but I'm sorry. Inside this classroom, you have to be what you are SUPPOSED to be. If you're a boy then act like one. If you're also a girl then act like one. Don't be someone who you know you aren't SUPPOSED to be" giit ni Trisha sabay sara ng librong binabasa niya at saka tumingin kay Joseph.

"Or else! I will make you suffer. You know what I'm capable of doing" dagdag niya.

Kawawa naman tong bestfriend ko.

Naging seryuso narin ang mga mukha namin dahil alam naming wala ng nakakatawa sa nangyayari.

Hindi nalang rin sumagot si Joseph at tahimik nalang na nakaupo.

Joseph's POV

Shit! Fuck her! Fuck her!

Mabuti nalang at na control ko ng maayos ang mga galawa ko kanina. Pagnagkataon.

"Bakla ayos ka lang?" wika ni Stephanie sakin.

Hindi ako okay!

"Huh? Oo naman day! Ako pa? Hindi ako tinatablan ng mga ganyan" ani ko with matching hand gestures pa.

She Tamed Mister Vampire (On-going)Where stories live. Discover now