Kabanata Apat

3 1 0
                                    

Laking pasasalamat ko talaga na dumating siya sa buhay ko. May nasasandalan ako kapag hirap na ako sa buhay at may napagsasabihan kapag hindi na kinakaya ng damdamin ko.

Nang makarating na kami sa sinasabi niya. Kumain na kami at talagang sinadya kong hindi kainin ang isang pagkain na in-order niya.

"Enzo, pwede bang ipa take out mo na lang ito "

"Iuuwi mo kay Tita?"

"Hindi, ibinigay ko sana doon sa bata " Ngumiti sa akin si Enzo at tumango.

"Miss pwede po ba pa take out nito? Salamat po "

Pagkatapos ko ay ini-abot ko iyon sa bata.

Tinitigan ako nito ng matagal at doon lamang tinanggap ang supot ng pagkain.

"Maraming salamat po Ate, kahapon pa po ako hindi kumakain, hindi po ako kumita kaya wala po akong pambili ng pagkain " Umupo ako para makapantay ko ang bata. Hinimas ko ang ulo niya at ngumiti.

"Nasaan ang Mama at Papa mo? "

" Iniwan po kami ng Tatay namin at si Mama naman po namatay ,nasagasaan ng truck" Mabilis na pumatak ang mga luha ko nang marinig iyon . Hindi lang pala ako nag iisa sa mundong ito na tuloy lang ang buhay kahit na walang mga magulang.
" Saan ka tumitira?"  Kahit na garalgal ang boses ko ay nagpatuloy lang ako sa pagkausap sa kanya.

"  Kung saan-saan po , minsan sa truck ,sa jeep at minsan sa bangketa "

" Nag-iisa ka na lang talaga sa buhay? "

" Opo, Simula nung iniwanan kami ni Tatay,nangako ako sa sarili ko na magsusumikap ako ,kakayanin kong tumayo sa sarili kong paa at hinding hindi ko gagawin ang ginawa niya sa amin. Naduwag siya sa responsibilidad niya bilang ama. Inabandona niya kami ,at iyon ang  kahit kailan hindi ko gagawin sa magiging pamilya ko " Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang luha na kanina ko pa pinipigilan at tuluyan nang umagos. Nasasalamin ko ang sarili ko sa kanya. Nasasalamin ko ang katatagan niya . Magkatulad kami ng naging kapalaran. Ngunit ang ganoong pag-iisip niya  ay nakakahanga . Katapangan na ang tumatakbo sa isip niya.

" Napakabuti mong bata ,tandaan mo ang lahat ng pagsubok sa buhay ay may dahilan. Si God lang palagi ang gawing una dyan sa puso mo ,sa kanya ka lang kukuha ng lakas. Makakayanan mo iyan "

Pinunas ko ang luha  at tumayo.

"Maraming salamat po Ate "

"Sa iyo na ito,itabi mo " Ini-abot ko ang pera na inipon ko para sana sa pagko kolehiyo ko. Kinita ko iyon sa pag extra sa mga trabaho.

" Ate maraming salamat po " Nababakas ko ang ngiti at saya na namamayani ngayon sa kanya. Masaya na ako para doon.

"Pinapangako ko po na gagamitin ko sa mabuting bagay ito ,sa muling pagkikita natin pinapangako ko na isa na akong piloto at may magandang naabot ang ibinagay mo pong tulong" Ngumiti ito at niyakap ako. Hinimas ko ang ulo niya dahil sa determinasyon na namamayani sa kanya.

"Alis na ako,mag-iingat ka palagi "

Kumakaway siya na sobra ang galak .

Ain't MerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon