one hundred sixty one: love

Start from the beginning
                                    

"I bought this event." Amin ko.

"Huh? T-teka, binili mo 'to? P-paano?"

"I gave them money."

"Bakit? Bakit mo 'to binili? Lahat nalang ba binibili mo?!" Pag-aalala niyang sabi.

"Para ma-solo kita." Sagot ko at napatahimik siya at parang may sasabihin pa siya pero hindi na natuloy.

"Speaking of which, sinabihan ko silang lahat na walang titingin sayo o magbabantang lumapit except for that bartender that gave you this..." Turo ko sa Jell-O shot.

"Lalo na't ganyan ang ayos mo ngayon, siguradong may lalapit sayo." Dugtong ko.

Napaubo siya at napatingin siya ulit sakin pero umiiwas pa din siya. In short, hindi siya makatagal ng tingin.

"Ibig mong sabihin, kanina ka pa nandito?" Tanong niya and I nodded.

"Pinapanuod lang kita nung pumasok ka then umupo dito at tinitignan yung mga lovers dyan... naisip kong, iniisip mong sana ganon tayo."

"Zachary Salvador, 'di kaya masyado ka nang mahangin?" Sarcastic niyang sabi.

And I smiled, "Totoo naman diba?"

"Na ano? Na masyado kang mahangin?" Palaban niyang sagot at ngumiti nalang ako.

"And oh, don't think about walking out after this conversation or during our talk 'cause I already blocked every way around this event."
___________________

Alex

"ANO?!" At tinignan ko kagad yung mga pwede kong daanan mamaya.

Isang way, ay hinaharangan ng familiar na tao, si Seb. Then sa isa naman, si Sam. At sa isa, si Troy. Then si Louis, na nag-wave pa sakin.

Seriously?
_____________________

Zac

"Alexandra, with all my efforts just to have you here is happening, sana yung gusto kong mangyari, sana... maging successful." Pakiusap ko.

Act cool.

She sighed, "Wag ka na magdrama dyan. Aminin na natin sa isa't isa kung ano talaga nararamdaman natin ngayon. Magtanong ka na kung anong gusto mong malaman."

"Is it because of her? My mother?" Tanong ko at kahit na alam ko na ang sagot, gusto kong malaman galing sa kanya.
___________________

Alex

Nakayuko lang ako magdamag at hindi pa rin makatingin sa kanya. I silently sighed and answered him, "May point naman siya... na tuwing magkasama tayo, palaging isa sa atin ay napapahamak lalo na ikaw."

"And you believed that?"

Napatahimik lang ako.

"Hindi niya alam kung ano mga pinagdaanan natin. Wala siyang alam sa nararamdaman natin. Hindi niya alam kung gaano natin kamahal ang isa't isa, Alexandra. Hindi mo kailangan maniwala sa mga sinasabi niya."

[Book 3] And that's what makes our love real.Where stories live. Discover now