one hundred fifty seven: monster

1.8K 67 11
                                    

Alex

Blood.

Ang daming dugo sa kamay ko, kulang nalang ay kumuha ako ng isang balde para sa dugong nasa kamay ko. Hindi ko 'to kinakaya, hindi ko 'to kayang tignan, hindi ko siya kayang tignan...

Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang sinusugod namin siya sa loob ng hospital, papuntang emergency room.

He needs to be checked at kahit papaano ay nagpapasalamat akong malapit lang ang hospital dito sa lugar na ito.

He will be okay, I know he will.

Hanggang ngayon ay walang tigil ang pagpatak ng luha ko, kulang nalang ay maubusan na ako ng luha.

Naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtakbo ng mga nurses, doctor, ako at sila Troy at ang tunog ng gulong ng kama.

Nang makapasok na siya sa emergency room, pinigilan ako ni Seb at niyakap niya ako ng mahigpit and I did the same.

Hinigpitan ko ang yakap ko na para bang gusto kong magwala sa nangyari sa kanya.

"Seb, Seb... si Zac... Z-Zac..." Iyak ko.

"Shh, shh, he'll be fine, okay? Magiging okay siya." Sagot niya at pati siya ay naiiyak na rin lalo na mga kaibigan ni Zac na sina Troy, Sam at Louis.

"Alex, let's get you cleaned up." Sabi sakin ni Troy referring sa mga sugat ko.

"O-okay lang ako, Troy. Hindi importante 'to. D-dito lang ako. Hindi ako aalis."

"But Alex-" Pinutol naman ni Seb si Louis sa sasabihin niya.

"Kukuha ako ng first aid kit, ako na gagamot sa kanya dito." Sabi nito at nagpaalam siya at umalis na.

Alam kong concern sila sakin pero hindi pa ako stable ngayon. Alam kong nasa loob na si Zac ng emergency room pero hindi ibig sabihin ay okay na ako.

Umupo ako at lumapit si Troy sakin, umupo rin siya sa tabi ko.

"Zac is a strong man. He will make it through, we know he will." Sabi niya at namumula na rin yung mga mata niya.

"I know." Iyak ko.

"He will." Mahinhin na sabi nito at inakbayan niya ako and he's comforting me sa pag-iyak at sa pag-aalala kay Zac.
__________________________

3 hours na ang nakalipas at wala pa din lumalabas na doctor para sabihin ang resulta. Nandito pa din kami, hinihintay ang resulta at nagamot na rin ni Seb yung mga sugat ko, lumapit si Louis at binigyan ako ng coffee at kinuha ko ito.

"Salamat." Sabi ko ngunit hindi ko ito ininom.

Wala akong mood para kumain o uminom man lang. Ang gusto ko lang gawin ngayong araw na ito ay hintayin ang resulta at alamin kung ano ang kalagayan niya.

"Alex!"

Napatingin kami ng makita ko si mama tumatakbo kasama si dad. Napatayo ako sa upuan at sinalubong siya.

"What happened? Where is he?" Tanong ni dad at sinabi nila Louis na nasa loob na ng emergency room habang ako ay umiiyak na naman sa yakap ni mama.

"Anong sabi ng doctor? Anong kailangan gawin?" Tanong ulit ni dad.

"Wala pa pong resulta." Sagot ni Troy.

At napatingin kaming lahat nang bumukas ang pinto ng emergency room. Lumabas ang doctor at hinarap kami.

"Sino po ang guardian ni Zachary?" Tanong nito samin at nagsalita si dad bigla.

"Ako. Tatay niya ako."

[Book 3] And that's what makes our love real.Where stories live. Discover now